Chapter 64: Pakipot mission mode

227 17 0
                                    

------------------------------------

"hoy! ano?" biglang sigaw ni laine sa akin kaya natauhan ako.

simula kase na tinanung niya ako na kung ano ang pinagusapan namin dun sa rooptop hindi na ako nakapagsalita ,natulala na lamang ako sa kaniya

"Tsk huwag ka ng mag tago sa akin alam ko na pinag usapan niyo ni sean" nakasimangot niyang sabi sa akin

"alam mo na pati----"napatigil ako sa pag sasalita ko ng sumabat si laine sa pag sasalita ko

"na nililigawan ka ni sean?" patanung na sabi sa akin ni laine kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko

tinignan ko ang ekspresyon niya sa sinabi niya, pero parang wala lang sa kaniya iyon

"okay lang sayo?" nag aalangan kong tanung kay laine

napakibit balikat naman siya sa tanung ko sa kaniya at tinaasan niya lang ako ng isa niyang kilay

"syempre di yun okay sa akin kaso hindi ko naman hawak ang kagustuhan ni sean kaya hindi ko siya mapipigil, lalong lalo na yung puso niya hindi ko rin hawak kaya wala akong magagawa kung ikaw ang gusto niya, pero may bala akong hawak, ikaw alam ko kung sino yung nag mamay ari ng puso mo, oh diba? after all sakin din ang bagsak ng lalaking yun" birong sabi sa akin ni laine.

natawa siya sa sinabi niya kaya napatawa na lang din ako. kung siguro may bagay akong hinahangaan kay laine siguro yung bagay na yun ay yung hindi siya titigil hanggang sa hindi niya makuha ang gusto niya.

ngumiti siya sa akin

"kaya huwag mo na akong alalahanin hayaan mo siya na gawin niya ang gusto niya balang araw marerealize niya rin na ako ang bagay sa kaniya" sinasabi ni laine yun na may sobrang tiwala sa sarili niya kaya natatawa na lang ako ng bahagya

"bakit ba tayo napunta kay sean? tsk about sa inyo ni taru ang pinag uusapan natin no!" napatigil ako sa pagtawa ko ng banggitin niya ang pangalan  ni taru

aba malay ko siya tung unang nagtanung about kay sean eh, kagulo talaga ng babeng to.

"anong plano mo?" tanung niya sa akin

nagkibit balikat lang ako.

"tsk paano kung aminin niya na mahal ka niya anong gagawin mo?" curious na tanung sa akin ni laine kaya napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niya tapos maya maya napangiti na rin

ano ba! huwag naman!

nako kapag inatake pa naman ako ng kalandian ko nagiging pabebe ako hindi ko alam kung naalala niyo kung paano ko pakitunguhan si dok teru nung mga araw na gusto ko siya, ganun na ganun sigurado magiging reaction ko.

"siguro...sasabihin ko rin na mahal ko siya" halos hindi ko naman maitago ang ngiti ko sa sinasabi ko kay laine habang hindi mapakali sa kinatatayuan ko

*pak* nakatikim na naman tuloy ako ng hampas sa balikat ko dahilan para tignan ko siya ng masama.

"Lukaret! dapat mag pakipot ka muna! diba sabi niya manliligaw muna siya ibig sabihin kahit paulit ulit niyang sabihin niya na mahal ka niya wag na wag kang sasagot na mahal mo din siya! pakipot ka naman diyan! atsaka ang saya kayang makita kung paano manligaw at manuyo si taru, hindi pa kase niya ginagawa yun sa buong buhay niya kaya kinikilig ako para sayo" hyper na hyper na sabi sa akin ni laine

hindi naman halata na excited si laine niyan eh no?

pero teka? hindi pa siya nanliligaw buong buhay niya?

"ano? paano naging sila ni sami? alangan namang si sami nanligaw sakaniya hahaha lakas nun!" pagbibiro kong sabi kay laine dahilan para tignan niya ako ng seryosong pagmumuka patuloy pa rin ako sa pagtawa dahil sa biro ko pero napatigil akong magsalita si laine.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon