Chapter 76: Hiccup

162 13 2
                                    

Shawn Pov

nakita kong nakatunganga si taru nung tinawag ko siya halos hindi siya gumagalaw ng ilang minuto sa kinatatayuan niya, kaya napatigil ako sa pagkaway sa kaniya at napaisip kung ano kaya iniisip ng taong to?

kaso nagulantang ang puso ko ng bigla siyang ngumiti sa akin at kumaway din, habang kumakaway siya sa akin binaba niya ang cellphone niya kaya ganoon din ang ginawa ko.

siguro nagtataka kayo kung bakit iniwasan ko ng ilang araw si taru no? Ano kase... ganito kase yan nasabi ko kay laine na gusto ko ng umamin kay taru about sa nararamdaman ko subalit hindi ko alam kung paano.

dagdag pa yung sinabi ni laine na nagagalit siya sa ginawa kong pag walk out sa kaniya, tinanong pa nga ni laine kung ititigil niya na ang kahibangan sa akin, nanindigan naman itong si taru, kaya sinabi sa akin ni laine na tignan daw namin kung ano ang hanggang  kayang niyang gawin, kaya ayun iniwasan ko siya.

syempre ang sakit sa loob ko na iwasan siya may araw pa ngang gusto ko na siyang lapitan pero pinigilan ako ni laine, sabi niya ito ang paraan para makunpirma na ni taru ang tunay na nararamdaman niya. sabi ni laine hindi kami pwedeng pumasok sa isang relasyon kung hindi kami sigurado sa nararamdaman naming dalawa

sabi ko ako sigurado ako na mahal ko si taru pero nasupalpal ako ng tanungin ako ni laine kung si taru ba sigurado ba sa nararamdaman niya.

natauhan ako ng maramdaman kong humawak si taru sa balikat ko kaya agad agad akong napatingin sa kaniya.

ngumiti ako sa kaniya, yung sobrang gandang ngiti

"tsk, buti naisipan mong mag pakita" sarcastic niyang sabi sa akin pero may part na parang nagtatampo yung tone ng boses niya kaya hindi ko maiwasang kiligin.

lande.

"hindi naman kita iniiwasan sadyang busy lang talaga ako" nakapout ko pang palusot kay taru

ewan ko pero nakangiti siya sa harap ko dahilan para magwala talaga ang puso ko.

binitawan niya naman ang braso ko at ipinatong ang kamay sa akin ulo. hinaplos haplos niya ito na para ba akong aso, pero wala na akong pake, ni hindi na nga rin ako maka react dahil tanging pinagmamasdan ko lang ay ang mga ngiti niya sa labi at ang mga tingin niya sa akin.

gusto ko sanang tanungin ulit kung mahal na ba niya ako pero saka na lang.

"Namiss kita shawn"

halos hindi ko na alam kung anong itsura ang ipapakita ko sa kaniya hindi ko na alam kung naka poker face ba ako o nakangiti ng sobra.

mas sobrang kumalabog yung puso ko ng ako ay bigla niyang yakapin.

hindi ko napigilan ang sarili ko ng yakapin ko siya pabalik.

dibale na... simula ngayun ipaparamdam ko sa iyo na ikaw ang mahal ko.

kumawala ako sa pagkakayakap sa kaniya at nginitian siya ng sobra.

hinawakan ko ang braso niya dahilan para ikabigla niya.

"halika taru pasok tayo sa loob" nakangiting yaya ko sa kaniya, hihilain kona na sana siya ng napatigil ako dahil hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, siya naman itong tinitignan ako ng may nag tatakang pagmumuka

"ayaw mo? tara na lang maglibot?" pag iiba ko sa sinabi ko pero nakakunot pa rin siya ng noo sa akin.

bigla bigla naman niyang hinawakan ang noo ko, pinakiramdaman niya ito.

"ano?" nagtatakang tanung ko sa kaniya, ano bang problema ng isang to?

"shawn may lagnat kaba?" nag aalalang tanung niya sa akin dahilan para matawa ako, luma na kase yan! naku!

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon