Chapter 42: Hindi Ako Belong

208 10 2
                                    

Shawn Pov

nagising ako ng biglang may nagbukas ng pintuan,

pag upo ko sa sofa nakita ko si dok na may hawak hawak na ballpen at notebook

ngumiti siya sa akin pagkatapos niyang isara ang pinto

"mukang naglayas ka sa tinitirahan mo shawn lie, dala mo na naman ang mga gamit mo" mahinhin na sabi ni dok teru sa akin habang tinitignan niya si mama

ako etong tamang napayuko lang sa sinabi niya sa akin

"hindi kase ako belong sa lugar na iyon, gusto ko ng tahimik na buhay" malungkot na sagot ko kay dok teru

pagkatapos niyang magsulat sa notebook niya lumapit siya sa akin at ginulo niya ang buhok ko

"paano mo naman nasabi na hindi ka belong?" seryosong tanung sa akin ni dok teru

inayos ko naman yung buhok ko na ginulo niya

tinignan ko lang siya na may lungkot sa mga mata hindi ko kaseng magawang maging masaya kahit anong gawin ko, hindi lang naman to dahil sa one sided na nararamdaman ko para kay taru, para rin ito sa mga naging malapit sa akin sa gang nila na ngayun hindi ko na kayang lapitan ulit.

hindi ko man gusto na tapusin ang mga relasyon naming lahat pero kailangan eh kahit kailan hindi pwedeng makihalubilo ang isang normal na babae sa katulad nila. pabigat lang ako

"gusto mo ng ice cream?" nakangiting tanung sa akin ni dok teru

tumingala lang ako sa kaniya at tinitigan ang pag mumuka ni dok teru

nasan na yung pakiramdam ko kapag nakikita si dok teru? nasan yung saya na binibigay niya sa akin kapag kausap ko siya, nasan na yung sa paglibre niya lang sa akin ng ice cream okay na ako. bakit hindi ko na maramdaman iyon. Kung kelan ko gusto ko makalimot ngayun pa itong puso na ito naghahanap ng taong hindi kailanman susuklian ang nararamdaman ko, Please lang ibalik mo na ang dating simpleng nararamdaman ko para kay dok teru kailangan ko yun kailangan na kailangan ko yun, kase ni hindi ko magawang maging masaya

hindi ko napigilang tumulo ang luha ko sa harap ni dok teru

kaya nawala ang ngiti sa mga labi ni dok teru napalitan ito ng pag aalala

tumabi siya sa akin at niyakap niya ako

pero hindi ko siya niyakap pabalik kundi pinunasan ko ang nakakaasar na luha na ito na palagi na lang tumutulo kahit ayoko naman, pagkatapos nun tinanggal ko ang pag kakayakap ni dok teru sa akin

"okay na ako dok sorry, ayoko na nakikita mo ko na ganito, promise magiging ayos na ako bukas!" pilit ko sa sarili ko na maging positive sa paningin ni dok teru

ngumiti naman siya sa akin

"nag away ba kayo ng boyfriend mo?" mahina niyang tanung sa akin habang halatang nag woworry siya sa akin

boyfriend?

napabuntong hininga na lang ako sa tanung niya sa akin

"dok naman wala po akong boyfriend" nakapout kong sagot sa walang kwenta niyang tanung

tinignan naman niya ako ng tingin na hindi siya naniniwala sa sagot ko sa kaniya

"totoo nga dok wala akong boyfriend" pag uulit ko sa sinabi ko habang naka pout

natawa naman siya ng bahagya, ano bang problema ni dok bakit parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko

tumayo naman na ko at ng inat inat

"tara na dok ibili mo na ako ng ice cream parang gusto ko ng ice cream ngayun" sabi ko kay dok

tumayo nman siya ng nakangiti sa akin

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon