Chapter 39: Aso at Pusa

192 17 0
                                    

Shawn Pov

Pagkatapos maganap ang nakakagimbal na pangyayaring yun bumati lang si sami kila laine at umalis na silang dalawa na para bang wala lang ako sa kanilang dalawa, para bang hangin lang ako na dumaan sa kanila na babaliwalain na lang pagkatapos ng lahat.

nakatingin ako kay sami sa kaniyng upuan habang nakangiti siyang kinakausap ng mga classmate namin.

napayuko ako, para bang gusto kong umiyak ng umiyak pero halos walang luhang lumalabas sa mga mata ko.

pati ata luha ko sinasabing wala akong karapatan para lumuha sa pangyayaring ito simula't sapol pa lang naman eh yun na talaga ang aming napagkasunduan hanggang bumalik sa kaniya si sami.

biglang may naramdaman ako na lumapit sa akin ng tinignan ko iyon hindi ako nagkamali yung limang siraulong babae ang nasa harap ko.

may mga mukang nangaasar.

binalik ko na lang yung mata ko sa libro na binabasa ko.

pero dahil nga kulang sa pansin ang limang iyon kinuha ni jeyi ang libro ko at pinunit ito sa harap ko habang ngumunguya lang siya ng bubble gum.

gusto ko man na awayin sila pero alam ko naman na hindi ko sila kaya, lima sila isa lang naman akong nerd ano bang panama ko sa kanila?

biglang tinap ni jinru ang ulo ko na dahilan para dangilin ko ang kamay niya.

tumawa naman siya ng marahan.

"alam mo naawa ako sayo? diba sinabi ko naman sayo na panakip butas ka lang ni taru, si sami na ang mahal niya una pa lang" madiinang sabi sa akin ni jinru pero hindi ko na lang sila pinansin

ano ba alam nila? simula pa lang din naman alam ko na hindi ako yung mahal ni taru. simula una pa lang alam ko na walang pakialam sa akin si taru kaya ano bang pakialam ko hindi ba?

kase simula pa lang alam ko na ang lahat.

"kawawa ka naman pinaglaruan ka lang" asar sa akin ni yumi

"What a pathetic girl" pang asar din ni alliah sa akin

pagkatapos nun tinatawanan nila ako habang tinatapik tapik sa balikat ko.

tapos binato sa akin ni yeji yung libro na pinunit niya

tinignan ko ang librong ito at kinuha.

pagkatapos kong kunin yun, umalis ako sa classroom na iyon at dumiretso sa library.

pagkaupo ko dun nilapag ko yung libro na pinunit nila at nilabas yung tape sa bag ko.

habang hinahanap ko yung gunting sa bag ko may umayos ng upo sa pag kakadukduk niya sa  desk na katabi ko

napatingin ako kung sino yun, nakita ko na lang si sean yung taong yun

ngumiti siya ng tipid sa akin, nginitian ko rin siya ng tipid

pagkatapos nakita niya yung libro na punit na nilapag ko sa lamesa

"anong nangyari diyan?" tanung niya sa akin

umiling iling lang ako na ibig sabihin wala lang yan.

pagkatapos nun nakita ko na yung gunting na kanina ko pa hinahanap

"nag aaral ka na naman ng tagalog sean" tanung ko kay sean habang busy sa pag aayos ng libro ko.

napakamot lang siya ng ulo at tumango.

"nag iimproved naman ako diba?" sabi ni sean sa akin

ngumiti lang ako na parang satisfied na rin sa pagsasalita niya.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon