Chapter 82: Masaya ako dahil mahal ko siya

163 11 0
                                    

Taru Pov

nandito ako ngayon sa isang garden, hindi ko alam pero dito ako dinala ng mga paa ko matapos kong mag walk out sa pangyayari. Nakaramdam ako ng inis, hiya at sakit. Maliban sa tatlong yan nakaramdam din ako ng pagka lito. hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni shawn, bakit feeling ko may gusto siyang iparating sa akin hindi niya lang magawa? halata rin sa mga kilos nila laine.

lalo na yung laine na iyon nakakabwiset na yun.

habang nag iisip isip ako dito sa garden may tumabi sa kunauupuan ko. Nilingon ko iyon, at tama nga ang hula ko si sean iyon

si sean lang naman ang palaging tumatabi sa akin ng walang kaingay ingay man lang eh. kung si ivan yun malayo pa lang sumisigaw na yun, at kung si laine naman maririnig ko naagad ang buntong hininga niya, na para bang ayaw na ayaw niya akong kausap tsk tsk.

nilingon niya ako at ngumiti, andito pa siya para makiramay sa akin?

tsk siya rin naman nabusted, bakit kailangan maging mukang wala lang nangyari para sa kaniya.

"ano bang iniisip mo at tinanung ang bagay na iyon sa kaniya?" biglang tanung sa akin ni sean dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

titig na titig naman sa akin na animoy gustong gustong malaman ang kasagutan sa mga tanung niya. napabuntong hininga naman ako.

"Naguguluhan kase ako, balita ko binusted ka niya"ng pagkasabi ng pagkasabi ko nun sa kaniya bigla siyang napatawa ng bahagya.

"totoo sinabi niya yun sayo? anong sabi mo?" natatawa niyang tanung sa akin

kaya napakunot na lang ang noo ko at tinitigan siya ng may mukang nagtataka.

"Bakit ka ba natutuwa itong nabusted ka na?" naiinis kong tanung sa kaniya pero hindi naman ganoon kalakas ang boses ko para masabing nagagalit na ako.

huminto naman sa pagtawa ng marahan si sean at tinignan ulit ako ng diretsahan sa mga mata ko.

"bakit hindi ka ba masaya at wala ka ng kaaagaw kay shawn?" bigla akong napatigil sa sinabi ni sean sa akin

bakit nga ba hindi ako natuwa dahil binusted niya si sean? natakot ba ako dahil baka pati ako isunod niyang bustedin?

"natakot ka ba baka pati ikaw bustedin?" napatahimik ako sa sinabi niya dahil wala akong masabi, dahil tama siya, natakot nga ako baka pati ako hindi niya na hayaang ligawan pa siya.

"bakit sinabi ba niya na may mahal na siyang iba mismo sa harapan mo? tinanggihan niya ba lahat ng binibigay mo sa kaniya? naiilang ba siya kapag kasama ka niya? kase taru kung naranasan mo kung paano ako itrato ni shawn nung nililigawan ko siya, dun pa lang mararamdaman mo na ayaw niya talaga sayo. hindi naman sa pinaparamdam niya sa akin na ayaw niya talaga sa akin, pero pinaparamdam niya iyon in a nice way, tuwing mag kakasama kami lagi niyang sinasabi saakin na may mahal na siyang iba, pero nirerespeto niya ang nararamdaman ko kaya hindi niya ako papakialamanan sa ginagawa ko, akala ko magagawa kong makakuha ng kahit konting pagtingin sa kaniya, pero buo talaga ang loob niya na hindi ako ang taong mahal niya, ngayun ko lang narealize na kung magiging masaya siya sa taong mahal niya bakit ko ipagkakait iyon sa kaniya? kahit kailan hindi ako maghihinayang dahil sumuko ako kay shawn, dahil alam kong ipaglalaban din siya ng taong mahal niya ng buong buo, sa tingin mo ba ang tinutukoy ni shawn na mahal niya ay si dok teru?" pagkatapos ng mahabang paliwanag niya sa nararamdaman niya bigla niya akong tinanung.

na hindi ko alam ang isasagot ko, dahil napapaisip ako kung tinuring ba ako ni shawn na ganun? kahit anong isip ko tuwing mag kasama kami para bang sobrang saya naming dalawa. para bang ang saya saya ni shawn tignan tuwing kasama ako akala ko ganun talaga si shawn, akala ko natutuwa lang siya, ibig bang sabihin nun masaya si shawn na kasama ako?

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon