Chapter 84: Mission Accomplished

177 11 1
                                    

Shawn Pov

"So kayo na?" nabigla naman ako sa tanung ni laine sa akin kaya napalingon ako sa kaniya, nakita kong may hinahanap siya sa maleta niya. siguro yung susuutin niya yan mamayang gabi pansalubong sa pasko.

ako ba anong ginagawa ko? heto katext si taru hihihi, napag usapan narin namin na kami na ngang dalawa, ang kulit nga niya kagabi ayaw niya pa akong patulugin gusto niya pa daw marinig ang boses ko kaya ayun nag usap kami hanggang alas onse ng gabi.

naku hindi pwede mag puyat masama yun, dapat laging tama ang bilang ng oras ng tulog mo.

dahil hindi ko nasagot kaagad ang tanung ni laine nilingon niya ako ng may kunot sa noo.

"Aisst! kayo na bang dalawa huh?" pag uulit niya sa tanung niya kaya napangiti ako at tumango.

"kamusta naman buhay ng inlove masaya ba?" sarcastic niyang tanung sa akin at binalik ang tingin sa kaniyang maleta at nag simula na ulit mag kalat.

napiling na lang ako at napaupo sa gilid

-Taru-
ano oras kayo bababa?

alas sais na kase ng gabi, ang tanging ginawa namin nung maga, nag luto lang naman ng mga handa, kaya ayun wala kaming time sa isat isa ni taru kaninang maga hanggang tinginan na lang kami at nginitian kapag nakikita pa ni laine na nag tititigan kaming dalawa tatakpan niya pa ang pag titinginan naming dalawa lagi siyang humaharang sa gitna namin, napaka bitter kase ni laine kaya hayaan niyo na lang siya.

nag reply naman ako kay taru.

-Me-
Ewan ko kay laine hindi niya pa nahahanap ang isusuot niya e.

-Taru-
Tsk iwan mo na yan bumaba ka na andito na ako hinihintay kita

hindi ko namang napigilang mapangiti sa text niyang yun napakalambing naman ng lalaking to, pero kahit na piling ko inuutusan niya ako kinikilig pa rin ako.

-Me-
saglit na lang to

yun na lang ang reply ko sa kaniya ng may kumatok sa pintuan namin ni laine.

nagkatinginan pa kami ni laine at nag usap sa mga mata kung sino kaya yung kumakatok.

"baka yung prinsipe mo nainip na kaya pumunta na siya dito para sunduin ka" pag aasar ni laine sa akin pero may parte dun ang pagiging sarkastiko niya habang sinasabi niya iyon.

dahil sa tuwa ko napatayo ako agad at napatakbo papuntang pintuan at dali daling binuksan iyon, napakalaki pa nga ng ngiting isinalubong ko sa kaniya pero nawala iyon ng narealize ko na hindi si taru ang bumungad sa harap ko kundi si ivan.

anong ginagawa ni ivan dito may hawak pa siyang paper bag.

"Para san yan?" tanung ko kay ivan sabay turo sa paper bag kaya napatingin siya dito.

"ah eto ba? regalo ko sa iyo! dress yan para naman maganda ka sa paningin ni taru, natutuwa talaga ako dahil for the first time narinig kong mag I love you si taru, masaya ako para sa inyong dalawa" nakangiting sabi sa akin ni ivan halata mo na sobrang sincere siya sa sinasabi niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

muka naman pala siyang matino kapag nag seseryoso eh hehe.

inabot ko ito dahil sa tuwa ko

"salamat" nakangiting bigkas ko sumaludo lang siya sa akin at nag wave ng kamay para mag paalam tinanguhan ko lang siya at sinarado ang pintuan.

ng lumingon ako kay laine nakatingin lang siya sa paper bag na bigay sa akin ni ivan habang may seryosong pag mumuka.

"anong problema?" nag tataka kong tanung kay laine dahilan para mabaling ang atensiyon niya sa akin.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon