TMIIL#1

269 11 0
                                    

Shawn Pov

matapos ang isang napakagaling at outstanding kong performance namalayan ko na lang na hinila ako ni taru palabas ng classroom namin  ng nasa labas na kami agad agad niyang tinanggal yung pag kakahawak niya sa wrist ko... medyo malakas yung pag kakabitaw niya sa akin, para ngang inihagis niya ako pero hindi naman ganun kalakas ang impact sa akin...

tinignan ko siya ng masama, tinignan niya rin naman ako ng masama

ano bang kinagagalit neto? ayaw niya bang magpasalamat sa akin? ang galing nga ng performance ko eh dapat nag papasalamat siya sa akin hindi tong siya pa ang galit.

tsk..ngumuso na lang ako sa sobrang inis sa kaniya, hindi ba siya marunong umakting? nakakainis.

ginulo niya ang buhok niya na halatang nag pipigil siya ng galit,

ano bang nagawa kong kasalanan? wala naman diba

"*******" nag mura naman siya ng pabulong at ginulo ulit ang buhok niya

"ano bang problema mo huh?!!" bigla bigla niyang tanung sa akin sabay lapit niya sa akin
.
tinignan ko lang naman siya sa mata niya..

"ano bang ginawa kong mali?" mahinang tanung ko sa kaniya

baka kase kapag sinigawan ko to baka masapak na ako neto...eh itsura pa lang niya gusto niya ng manapak.

halata naman sa itsura niya na nananapak siya ng kahit sino..kahit babae siguro binubugbug neto...

kase nung nainis siya sa akin nun kinwelyuhan niya ako kaya hindi impossible na kaya niyang manapak at hindi impossible na sapakin ako neto kapag nasagad na siya sa akin kaya mag bebehave muna ako...

"anong mali? hindi kita pinaghintulutan na yakapin mo ako? manyakis ka ba?" galit na parang sarcastic na pagkakasabi ni taru sa akin

kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya?

"ano manyakis? nakakapag isip ka pa ba ng matino? girlfriend mo ako kaya natural lang na yayakapin kita sa sitwasyon ko! hindi mo ba icocomport anng girlfriend mo? nanginginig na sa takot oh! maging sweet ka naman sa girlfriend mo!" bulong na parang gusto ko ng sumigaw sa galit ko sa kaniya...

aba akalain mo naman na sabihan ba naman ako ng manyakis sinong hindi magagalit sa sinabi niya....

ginagawa ko to para sa kaniya.....oh sige para sa aming dalawa! bakit hindi ba siya pwedeng sumakay?

tinignan ko siya ng sobrang sama talaga yung halos kamuhian siya ng mga mata ko...

sa inis niya sa akin tinulak niya ako sa pader at hinawak niya sa pader ang kanang kamay niya para harangan ako...

hindi ko naman siya tinitignan nun nakayuko lang ako

aba ang lakas kaya ng tulak niya sa akin halos nag tinginan nga ang mga dumadaan sa hallway eh...

"hoy babae.." mahina niyang bulong sa akin

dahan dahan naman akong tumingin sa kaniya

halos wala na akong marinig na ibang bagay sa paligid ko kundi ang tibok ng puso ko yung lakas ng kabog ng dibdib ko

dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.dugdug.dug

halos habulin ko na yung hininga ko dahil sa kabog ng dibdib ko

nang nag tama ang aming mga mata huminto ang kabog ang puso ko at ito lang ang naiisip kong bagay

*tumakbo ka na shawntel papatayin ka ng nasa harap mo!!!!*

pero hindi ko magawang humakbang ng kahit na isang hakbang para bang nag lock ang mata ko sa kaniyang mga mata...

kaya nag titigan lang kaming dalawa.. napahawak ako sa puso kong tumigil na sa pagtibok dahil sa sobrang takot

napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan naroroon ang puso ko habang nakatingin sa mga mata niya na gusto ng mambugbog.

naramdaman ko namang may lumabas sa classroom namin siguro para tignan ang ingay na ginawa ni taru

aba uulitin ko malakas ang pagkabangga ko sa pader...ang lakas kaya ng pag kakatulak niya sa akin

"taru.....shawn" boses ni laine yung narinig ko, kaya nilingon ko siya

naramadaman ko rin na napalingon si taru sa kanila laking gulat ko andun sa likod ni laine si sami na halata sa mata ni sami na gulat na gulat siya ikaw ba naman na makita kami na malapit sa isa ni taru at mag katitigan hindi ka mabigla no? akala ko nga kakainin ako ng buhay ni taru eh

may lumabas naman na classmate kong lalaki na mukang nang uuto ang muka

"kung gusto mong halikan ang girlfriend mo taru wag naman dito sa loob ng building hahaha mukang nag iba ka na ah taru" pang aasar niya kay taru

bigla kong tinignan si taru at nakita ko yung muka niya na parang naguluhan sa sinabi nung lalaki kaya tumingin siya saakin

at dun niya namalayan na sobrang lapit namin sa isat isa

kaya napabitaw siya sa pader na sinasandalan ng kamay niya...

tumingin siya sa akin....

"oh?" tanung ko sa kaniya

at walang pasabi sabi bigla bigla na nman niya akong hinila paalis dun sa mga tao..

gawain ba neto mang hila ng manghila ng tao? nakakainis na ah

Fastforward

matapos ang ilang taon na paglalakad na ginawa namin huminto rin kami sa wakas

at dinala niya ako sa may likod ng building ng school namin

"ano bang probolema mo?" asar na tanung ko habang hinawakan ko yung wrist ko na sobrang higpit niyang hawak kanina akala ko nga mapuputol ang kamay ko sa sobrang higpit ng pag kakahawak niya...

medyo maayos naman yung pag kakabitaw niya sa akin ngayun hindi na  pahagis ang pagbitaw niya...

pagkatapos agad agad niya akong tinignan ng masama

ano bang kasalanan ko? ano ba huh? ang laki ng galit neto sa mundo ano?!!!

"wala ka bang takot huh?!! sa lahat ng tao na nakilala ko ikaw lang ang walang takot sa akin!" sigaw niya sa akin

napayuko na lang ako, ayoko ng sumagot baka msapak na talaga niya ako..

"sino ka ba huh? bakit mo to ginagawa? siguradong may bayad to syempre wala namang libre sa mundo diba? magkano ba binabayad sayo ni laine at sobrang kinakareer mo ang bagay na ito?" galit na tanung sa akin ni taru

sa inis ko tumingin ako sa kaniya

"oh? ano naman sayo? nakikinabang naman ka rin naman ah? para lang ba sa akin to? para sayo rin naman to! para sa inyo rin ito ni sami! SANA HINDI KA NA BALIKAN NI SAMI!" sigaw ko sa kaniya

sa tingin ko wala na talaga akong takot na mamatay hinamon ko na naman siya eh

bigla bigla niya akong kinwelyuhan at napatingin ako at dahan dahan kong tumingin sa kaniyang  kamao at nakita ko itong nakatiklop na ito at handa ng manapak mga ilang salita ko na lang ata masasagad ko na siya

"bakit ba kumukulo ang dugo ko sayo?" inis na tanung ni taru sa akin

hinawakan ko yung kamay niya at inalis ko ito sa kwelyo ko

"wala akong pakialam kung ayaw mo sa taong tulad ko, nabubuhay ako hindi para sayo. may sarili akong buhay hindi mo maiintindihan ang tulad ko dahil wala ka namang pakialam sa paligid mo dahil hindi mo naman nararanasan ang nararanasan ko kaya! tumigil ka na! " inis na inis na sabi ko kay taru habang pinagdidiinan ang sinasabi ko sa kaniya

medyo nawala naman yung kunot ng noo niya dahil sa sinabi ko...

pumikit ako at ng buntong hininga

"isipin mo kase na girlfriend mo talaga ako....yun lang ang tanging paraan para bumalik sayo si sami" mahinahon kong sabi sa kaniya at nung lalamapasan ko siya dinunggol ko pa siya mismo dahil sa galit ko sa kaniya...

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon