Laine Pov
"oh ano? naliwanagan ka na ba? siraulo! gusto mong masaktan? sinabi ko sayo maghintay ka napakakulit mo alam mo yun?" pagtatalak ko na naman kay shawn dito sa pool, ayan si shawn naka tungo lang habang nakaupo dito sa gilid ng pool at nakababad ang kaniyang mga paa dun sa tubig. nakanguso lang siya habang ginagalaw galaw ang paa niya.
bago ulit ako magsalita tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa, manang talaga itong babaeng to! daig pa siya ni teri, yung bata naka swimsuit siya naman naka swimming gear, alam niyo yun? basta yun na yun, yung mahaba ang sleeves na fit ito at medyo maliit ang shorts yun na yun. binibigyan ko siya ng swimsuit ayaw niya naman. sabi niya mas gugustuhin niyang mamatay kesa magsuot ng swimsuit, oa niya no?
"oh ano? nasaksak na ba sa kokote mo mga sinabi ko sayo kagabi?" pagtatalak ko na naman sa kaniya tinignan niya lang ako at sinimangutan.
"oo na laine, nadala lang naman ako eh, sabi naman niya kase sa akin na gusto niya ako sigurado siya dun" pagpapaliwanag niya habang nakasimangot sa akin.
kung hindi lang parating sila taru sa gawi namin tinapok ko na ito. sinabi ko naman kase sa isang relasyon hindi lang sapat ang gusto? dapat sigurado sila na mahal nila ang isat isa, sinabi ko rin kay shawn na hintayin niya na sabihin ni taru na mahal siya neto dun lang talaga siya makakasigurado sa pagmamahal ni taru.
aaminin ko malabong sabihin ni taru ang bagay na yun, atsaka syempre alam ko na mahal ni taru si shawn kaso nga lang hindi niya yun masabi kaya gusto ko sabihin niya ng diretsahan kay shawn. Tanggalin niya muna ang pagkatorpe niya at isabi ang tunay na nararamdaman kay shawn.
dinanggil ko naman si shawn kaya napalingon siya sa akin
"umayos ka minmatyagan ko ang mga kilos mo!" banta ko sa kaniya habang binubulong iyon sa kaniya
tumango tango na lang siya at napalingon sa gawi nila taru.
Shawn Pov
umalis naman na sa tabi ko si laine at pinuntahan si teri. nakatingin lang ako sa apat na lalaking papunta dito sa gawi ko.
"hahaha excited pa naman si taru at sean na makita kang naka swimsuit yun pala madadatnan nila nakaganiyan ka? bwaahaha laughtrip!" tawa ni ivan habang duro duro niya ako.
napakatingin naman ako sa suot ko then napatingin ako sa kanila. Ano bang problema sa suot ko? pati si laine umiiling iling sa suot ko. pati si teri tinatawanan ako? may mali ba sa suot ko?
"siraulo!" sabay lang na sabi ni taru at sean sabay tinulak nila ito sa pool kaya ayun nabasa agad siya kahit ang aga aga pa lang.
tumabi naman sa kanan ko si taru si sean naman sa kaklliwa ko inshort pinag gigitnaan nila ako, si dok teru naman humiga lang sa ilalim ng payong habang nakashades pa ito.
buti na lang hindi nakisali si dok teru sa dalawang ito.
ngumiti naman ako sa kanilang dalawa pero ang totoo awkward feels!
napatingin ako kay laine na ang sama ng tingin kay sean at napatingin ng bahagya sa akin
binigyan ko lang siya ng paalisin-mo-si-sean-dito-lookpero hindi niya iyon pinansin bagkus ay inirapan niya lang ako. napabuntong hininga ako ng de oras.
"shawn ano pala ang gusto mong sabihin kagabi? hindi ko kase masyadong maintindihan?" biglang open up ni taru sa nangyari kagabi.
napangiwi na lang ako, hindi pala naintindihan, alam mo bang napagalitan ako dahi lang dun tapos tatanungin mo lang ulit ako? huwag na taru! ang manhid mo!
ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya
"wala yun huwag mo ng intindihin" mahinahon kong palusot sa kaniya kinunutan niya na lang ako ng noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/177660978-288-k554934.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
Teen FictionIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...