Chapter 55: Break Up

228 12 1
                                    

Sami Pov

(Araw ng gabi nung tumakbo si shawn palabas ng resraurant)

pinag mamasdan ko si taru na nakikipagtalo sa kuya niya sa labas ng restaurant, habang ako naiwan dito sa loob ng restaurant , habang pinag mamasdan si taru sa labas na nakikipagtalo sa kuya niya, nagulat na lang ako ng biglang sapakin ni taru ang kuya niya kaya agad agad akong napatayo at tinakbo si taru palabas.

ng nakalabas na ako kumapit agad ako sa dalawang braso ni taru mula sa likod upang pigilan siya..

halos hawak hawak niya kase sa kwelyo yung kuya niya na may putok na ang labi.

"Taru tama na kuya mo yan!" halos maiyak kong bawal sa kaniya.

hindi ko alam na magiging ganito siya kabarumbado sa harap ng kuya niya ganun na lang ba talaga ang galit niya kay kuya teru?

"Ga** hindi ko siya tinituring na kuya!" inis na inis na sigaw ni taru sa harap ni kuya teru

at inalis niya ang kamay niya sa kwelyo ni kuya teru ng patapon.

bumaliktad lang si kuya teru sa sahig.

ng pakawalan na ni taru yung kuya niya dali dali ko na siyang hinihila palayo kay kuya teru. kaso nahihirapan akong hilain si taru dahil ayaw niya talagang magpahila.

"tandaan mo teru! pag may nangyaring masama sa kaniya ikaw ang mananagot!" banta ni taru sa kuya niya

ng marinig ko ang bantang iyon napatigil ako sa pag hihila ko sa kaniya, para bang may kung ano sa puso ko ang biglang kumirot.

napabitaw ako sa pag kakahawak ko kay taru at napatingin na lamang sa baba.

piling ko ang sakit sakit na. Piling ko hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko. Lokohin na ako ang mahal ni taru at ako lang at wala ng iba.

napatikom ako ng kamao sa inis at galit na nararamdaman ko. hindi ako eto, hindi ako ganitong tao.

naramdaman ko namang tumayo na si dok teru sa pag kakaupo niya sa sahig,  kaya tinignan ko siya ng may matang namumuo ang luha sa mga mata

pinagpag naman niya ang kaniyang damit pagkatapos nun tumingin siya sa akin at ngumiti siya sa akin

para bang ang mga tingin at ngiti niya sa akin ay may ibig sabihin.

pagkatapos nun nag paalam na lang siya kay taru habang si taru ang sama sama pa rin ng tingin sa kaniya.

pagkaalis ni kuya teru sumunod na rin akong nag walk out.

"sami sang ka pupunta?" tanung ni taru sa akin kaso hindi ko siya nilingon patuloy pa rin akong nag lalakad palayo sa kaniya.

kase kung lilingunin ko siya baka hindi ko mapigilan ang magtanung.

magtanung about kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay shawn.

bakit  puro si shawn na lang ang nakikita niya? ako ang kasama niya pero nag aalala siya kay shawn. ako ang kadate niya pero kay shawn lang nakatingin ang mga mata niya.

paano ako taru?  paano ang pagmamahal ko para sayo?

habang nag lalakad ako palayo sa kaniya nararamdaman kong sinusundan niya ang mga yapak ko, na wala man lang kibo

dahil nararamdaman ko ang presensiya niya napatakip na lang ako ng bibig ko baka kase marinig niya ang pagiyak ko.

ayoko kaseng malaman niya na umiiyak ako ayoko kaseng pagusapan ang mga bagay tungkol sa totoo niyang nararamdaman. ayoko malaman ang katotohanan, ayokong umalis siya sa piling ko, sa akin lang si taru, at hindi siya pwedeng mapunta sa iba, dahil ako ang mahal niya at wala ng iba pa.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon