Chapter 71: Gusto Kita

176 12 0
                                    

Shawn Pov

hindi ko alam kung ano ba balak namin sa buhay namin, kanina pa kase kami nag lalakad. si taru naman kanina pa tahimik hindi naman siya nag sasalita, lagi lang siyang nasa unahan ko.

napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa sandals ko. para bang namamaga na yung paa ko dahil kanina pa kami nag lalakad.

bakit hindi niya kase dala yung motorcycle niya? mas gusto ko pang sumakay sa motorcycle niya eh. naalala ko tuloy yung paghatid sa akin ni sean sumakay ako sa motorcycle niya pero hindi man lang ako nasiyahan, iba talaga ang kaba kapag motorcycle ni taru ako sumasakay para bang sa isang segundo mamatay ka hahaha.

napahinto ako dahil napahinto din siya at nilingon ako kaya tinignan ko na lang siya na parang naiinip na ako.

"pagod ka na?" nag aalalang tanung niya sa akin

umiling iling lang ako ng may nakasimangot na pagmumuka

kaya kumunot ang ulo niya at lumapit sa akin.

"edi ano ang problema? bakit ka nakasimangot?" naiinis niyang tanung sa akin, tinignan ko na lang siya ng masama at humaba ang nguso at nag lakad na lang at iniwan siya sa kinatatayuan niya.

hindi naman ganito ang date diba? may date bang maglalakad lang hanggang mapagod? ako ba inuuto niya? di sana umuwi na lang pala ako.

"uwe na tayo" sinabi ko yun habang patuloy pa rin sa pag lalakad at nakasimangot.

narinig ko naman siyang napabuntong hininga sa sinabi ko.

"oo alam ko na ayaw mo akong makasama kailangan pa bang ipahalata yun" bulong niya pero rinig ko naman.

kaya mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya.

hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa kaniya, siya naman kase itong nanahimik tapos kapag nanahimik din ako sasabihin niya hindi ko siya gustong kasama, hindi niya kase alam na gustong gusto ko siyang kasama, pinapangunahan niya naman kase lahat eh.

napabuntong hininga na naman ako.

ng biglang pinigilan niya ako sa paglalakad gamit yung braso ko.

sinamaan ko siya ng tingin

"tsk dumaing ka naman kapag nasasaktan ka, lagi mo na lang tinitiis ang lahat ng bagay" inis na reklamo niya sa akin kaya ako naman etong parang lula na hindi alam ang sinasabi niya.

nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod at tinignan ang paa ko.

hala..ngayun ko lang napansin na dumudugo na pala ito. hindi ko alam kung saan ito nag simula pero dumudugo talaga ito na para bang kanina pa dumudugo.

umupo na din ako para tignan ang paa ko na dumudugo.

halata naman na tinignan niya ako pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil atensiyon ko ay nasa sugat ng paa ko

"may sugat pala ako hindi ko alam" manghang manghang sabi ko sa sarili ko.

"tsk, ang manhid mo" reklamo niya kaya napatingin ako sa kaniya at hindi ko sinasadyang magtapat ang aming muka, bigla bigla naman siyang tumingin sa paa ko.

dug.dug.dug

hayan na naman ang puso ko, bakit parati na lang nakikipag karerahan ito? wala namang ginagawa si taru pero kung magwala ang mga ito para bang ah ewan!

"tsk, ikaw nga ang manhid" reklamo ko sa kaniya kaya napatingin ulit siya sa mga mata ko.

hindi ko alam pero ilang minuto rin siyang nakipag titigan sa mga mata ko na para bang kinakausap niya ang mga mata ko.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon