Chapter 66: The Confession

219 18 1
                                    

Shawn Pov

nakaupo ako ngayun dito sa bench na upuan dito sa baba ng hospital. Wala lang kakadischarge ko lang kase kaya naisipan kong mag lakad lakad tapos nung napagod ako umupo na lang muna ako.

naalala ko tuloy yung araw na ginamot ni taru ang sugat ko dito mismo din yun sa upuan na iyon halos malaglag yung puso ko sa kabog ng dibdib ko nun.

hindi ko tuloy mapigilang ngumiti ngayun, hindi ko alam pero kung totoo yung narinig ko na sinabi niya sa akin nung araw na iyon siguro ako na ang pinaka masayang babae sa mundo. pero syempre hindi naman ganun kaganda ang ugali ni taru, pero wala akong magawa mahal ko pa rin siya eh.

bigla na lang may kumutos sa ulo ko kaya tinignan ko ito ng masama kaso ng pagtingin ko kung sino yun nagulantang na naman ang puso ko.

bakit ba lagi kong nakikita si taru? lagi ko na nga lang tinatakbuhan ang lalaking to eh, syempre hindi ko alam kung anong irereact ko sa kaniya kaya ganun.

maya maya bigla bigla ko na lang siyang yakapin eh,wag ganun malilintikan ako kay laine.

umupo naman siya sa tabi ko habang nakatingin sa harap niya habang nakabulsa ang mga kamay niya sa suot niyang hospital gown.

"tsk bakit ka nang kukutos?!" inis na sigaw ko sa kaniya na dahilan para mapapikit ang mata niya, narindi siguro sa sigaw ko hihi

tinignan niya naman ako ng masama, hala ngayun lang ako nakakita ng lalaking sinasamaan ng tingin ang nililigawan niya.

kaya sumimangot na lang ako sa kaniya

nung sumimangot ako napangiti siya, ano ba problema neto? gusto niya ata lagi akong sumisimangot eh.

habang nagtititigan lang kami dun bigla naman nilabas niya ang kamay niya mula sa bulsa ng hospital gown na suot niya na may hawak na naka bottle na juice na inaabot niya sa akin.

habang inaabot niya sa akin iyon nasa ibang dako siya nakatingin na halata mong nahihiya siya ginagawa niya, hindi ko naman mapigilang ngumiti kaya napapakagat na lang ako sa labi ko.

kukuhanin ko sana ng biglang may naalala ako

("Mga bagay na dapat huwag na huwag mong gagawin kapag nililigawan ka ng isang lalaki lalo na nasa pakipot mission mode ka una huwag na huwag mo kaagad tatanggapin ang ibibigay sayo ng manliligaw mo hayaan mo na pilitin ka muna nilang kunin mo yun ano ka ba girl don't be materialistic ano!)

naalala ko ang sinabi ni laine sa akin kaya ayan tuloy napasimangot ako at napababa ang kamay ko

naramdaman siguro ni taru na hindi ko kinukuha yung juice na binibigay niya sa akin kaya tumingin siya sa juice na hawak niya at tumingin sa akin

"bakit ayaw mo? bibili ako ng iba kung gusto mo?" naininis na tanung sa akin ni taru.

tsk si taru talaga hindi man lang maging sweet.

umiling iling naman ako sa sinabi niya kaya napakunot na lang siya noo sa akin, napatungo na lang ako.

"para san ba yan?" mahina kong tanung sa kaniya kahit na alam ko naman na para sa akin talaga yan.

"para sayo" mahinang sabi ni taru kaya napatingin ako sa kaniya

nakayuko rin siya, seriously taru torpe mo! tsk. kapag mag susungit ang galing galing tapos kapag magiging mabait tumitiklop bala ka diyan.

napatingin din naman siya sa akin kaya binigyan niya naman ako ng look na kunin-mo-na-ito look

umayos naman ako sa pagkakaharap ko sa kaniya at tinignan siya ng diretsiyahan.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon