Chapter 75: Beautiful Woman

161 13 1
                                    

Laine Pov

nagulat na lang kami ng biglang may kumalabog papasok sa basement namin, yun pala si tarung badtrip lang sinipa ang pintuan, hay naku pag batrip talaga ang taong to akala mo laging may kaayaw. Binadtrip na naman ba siya nino? tanging si shawn lang naman nakakapagbadtrip sa kaniya noon. huwag mong sabihin nag away sila ngayun?

nakita naman ni taru na titig na titig ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa upuan niya dahilan para mapatigil siya at bigyan niya ako ng isang matalim na tingin. hala? anong ginawa ko sa taong ito? huwag mong sabihin kasalanan ko na naman kung bakit siya badtrip? naku huwag ngayun taru iniisip ko si Queen may hang over ata ako sa pangangatog sa pagkukwento ni miki sa akin about kay Queen eh. Napakasama ng Queen na iyon, napailing nalang tuloy ako.

"alam mo laine may topak yung kaibigan mo nakakaasar hindi ko siya maintindihan" reklamo niya sabay punta sa upuan niya na nagmukmok duon.

Bingo! si shawn nga dahilan kung bakit siya badtrip, ano na naman kaya ginawa ng babaeng yun?

lumapit naman ako kay taru na hindi nagpapahalata pero kahit anong tahimik ng paglakad ko napansin niya pa rin, nakatingin na kase siya ng masama sa akin malayo pa lang ako, lakas ng pakiramdam ng taong to.

"anong kailangan mo?" inis na tanung sa akin ni taru habang ang sama sama ng tingin sa akin, so nilubos ko na lumapit na ako sa kaniya

"bakit anong problema? nag away kayo ni shawn? tama! alam ko ihahatid mo siya pero nandito ka hindi ba siya pumayag?" curious na curious na tanung ko kay taru dahilan para kumunot ang noo niya habang ang sama sama ng tingin niya sa akin.

"ewan ko good mood lang kanina pero nung nakausap namin si sami nabad mood ayun nag walk out!" daing ni taru sa akin habang napagulo pa ng buhok sa inis.

natawa ako ng patago sa ginawa ni shawn.

"Selos na Selos lang ang lola niyo" bulong ko pero parang ang talas ata ng pandinig ni taru kaya nadinig niya

paktay!

"ano selos? psh! ako nga dapat magselos dun sa pinag-usapan nila, para bang sobrang mahal na mahal niya ang terung yun para maisip ni sami na pinapaasa lang ako ni shawn, ok lang naman yun e, alam ko naman tapos siya pa tong nagalit tsk" patuloy na reklamo pa rin sa akin ni taru napapangiti na lang ako sa itsura ni taru ngayun, hindi yan dati ganiyan kay sami, hindi man lang nag selos sa mga taong umaaligid kay sami pero kay shawn? nanliligaw pa lang siya nagseselos na siya bwahahaha imba ka talaga shawn dabest! sarap talagang maging sulsulera hihihi

"So titigil mo na ang panliligaw kay shawn?" nakakalokong tanung ko kay taru na may nakakalokong ngiti, nagulat naman si taru sa tanung ko kaya bigla na lang siyang napasigaw.

"p*ta laine! gustong gusto ko yung tao! titigilan ko? kahit pa palayuin ako nun, pandirian ako nun hindi ako lalayo sa kaniya" pagkatapos niyang isigaw yun nagkaroon na lang ako ng nakakalokong ngiti at tinignan ang mga kasamahan namin at kinindatan sila sabay sabay pa nga kami sa mga tingin namin na "inlove ang g*g*" yun lahat ang mga sinasabi ng mga mata namin.

nahalata naman ni taru yun kaya agad agad siyang napaiwas ng tingin sa akin ng tignan ko siya. hohoho ang sarap tignan ni taru kapag nag bablush, naku inlove ang leader namin.

"mahal na mahal niya ba kase talaga yun? kainis hanggang kay shawn ba naman" reklamo niya sa sarili niya hakos pabulong na iyon pero rinig ko naman.

kaya napatango tango na lang ako.

"gusto mo bigyan kita ng tip para makuha mo si shawn?" nakakalokong alok ko kay taru na siyang agad na lingon sa akin ni taru.

buti na lang wala si sean dito baka makinig pa yun eh masira pa diskarte ko sa kaniya.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon