Chapter 83: It means..

182 11 6
                                    

Shawn Pov

Naiinis ako sa sarili ko sa sobrang inis ko ayun hindi ko alam kung saan na ako napadpad, sa sobrang lawak ba naman ng resort na ito hindi ka maligaw?

"Hala! nadaanan ko lang ito kanina eh!" dismayadong dismayadong sabi ko habang nagmamaktol sa kakalakad.

hindi ko na alam kung saan ako magsisimula, habang iniisip ko ang sinabi ko kay taru kaganina, hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin ulit?

sinabi ko na hindi ko siya gusto! mismo sa harapan ng mga kaibigan niya! di parang binusted ko na rin siya na wala man lang awa. labas nun ako pa masama, hindi ko naman sinasadya na masabi yun, hindi ko lang mapigilang mainis kaya sinabi kong hindi ko siya gusto, like nag effort ako kagabi may speech speech pa nga akong nalalaman tapos hindi  niya rin pala maiintindihan! tsk asaan ang hustisya nun? tapos siya pa tong galit dahil binusted ko si sean? dapat nga maging masaya siya? dahil binusted ko si sean para sa kaniya kung alam lang niya. sa inis ko umupo ako sa sementong upuan na pahaba at humiga duon. sa sobrang sarap ng hangin dahil may mga puno ang nakapalibot dito hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

nagising na lang ako ng may narinig akong marami ng nag kakatuwaan, pagmulat ko ng mata, hala madilim na pala napakapa bigla ako sa bulsa ko. bulsa ko na akala ko may bulsa ako wala pala, napahilamos na lang ako ng kamay ko sa muka ko sa sobrang inis ko. pano na yan? naliligaw ako tapos hindi ko di pa dala ang cellphone ko, sino ba naman kase nag imbento ng resort ng ganito? sobrang lawak para bang village na nga eh, tapos ang dami pang pool na sobrang lalaki at lawak. at ang dami pang magagandang spot para tambayan at pag date-an, bakit naisama ko yung about sa pag dedate? ang dami ko kaseng nakikitang nag lalampungan kung saan saan.

buhusan ko kaya sila ng tubig? tama na shawn wag ka ng mag emote diyan at mag pakabitter hanapin mo na lang ang tamang daan.

napabuntong hininga nalang tuloy ako at tumayo na upang umalis.

habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mapahinto sa isang hallway na ang ganda ganda ng pag kakaayos ng puno, halos mag kakasinglaki ang mga ito at pantay pantay ang pag kakahilera nila. madilim dito tanging ang kandilang magkakasunod lang ang nakasindi, kulay pink ang mga ito, ang daming kandila, bakit hindi na lang sila bumibili ng bumbilya para mas tipid? aksayado pa sa pera eh.

inalis ko na ang tingin ko sa hallway na yun at nagpatuloy na maglakad.

gusto ko sanang maglakad dun sa hallway na yun pero parang hindi pwede muka kase siyang espesyal.

ng medyo nakalayo na ako dun sa hallway na yun medyo nacurious talaga ako kung anong meron sa dulo ng mabang hallway na yun na sa bawat gilid may naka hilerang kandila.

kaya dahan dahan akong bumalik at nilingon lingon pa ang paligid baka may makakita sa akin na pumasok ako dito sa hallway na ito.

paglingon ko sa hallway napatigil ako sa paglalakad sa kadahilanang, nagtataka ako.

kanina lang walang mga petals ng bulaklak ang hallway na ito pero ng binalikan ko, grabe parang sa kabuuan ng hallway panay petals ang matatapakan mo.

ayos lang kaya pumasok ako? parang meron silang hinahanda eh. ano to? debu? kasal? oh di kaya proposal?

napatakip ako ng bibig dahil kinilig ako sa iniisip ko.

mukang hindi ako nararapat dito , baka masira ko yung event.

tatalikod na sana ako ng biglang umilaw ang mga puno, para bang christmas light pero mas maganda pa sa christmas light? sa kinahaba haba ng hallway ganun din kahaba ang ilaw. masasabi mo talagang ang effort!

sabi na hindi ako bagay dito, tatakbo na sana ako ng may humarang na bata na hindi ko kakilala.

may binibigay siyang rosas sa akin, isang rosas ito, nagdadalawang isip nga akong tanggapin pero tinanggap ko na rin.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon