Chapter 25: Kung bakit patuloy na lumalaban💪

225 12 0
                                    

Shawn Pov

Walang pasabi sabi sa kanila tumakbo agad ako paalis dun sa kinatatayuan ko...

"shawn wait lang!!" sigaw ni laine kaso hindi ko na siya nilingon patuloy pa rin ako sa pag takbo ko

halos wala na akong maisip na iba pang bagay kundi tumakbo ng tumakbo papunta sa gusto kong patutunguhan...ni hindi ko nga alam kung may matino pa akong naiisip kase basta alam ko naiisip ko na lang tumakbo ng tumakbo.

biglang kong nabunggo si taru at ivan na papunta kay laine na may mukang nagtataka kung anong nangyayari.

dahil nabunggo ko nga silang dalawa nabuwal ako sa harap nila, pero hindi ko na ininda ang napakalakas na pagbagsak ko agad agad ko na lang tinanggal yung heels na suot ko at hinagis ito kung saan man at agad agad na tumayo at tinulak yung dalawa na nasa harap ko na naguguluhan kung anong nangyayri sa paligid nila

pagkatapos ko silang itulak tatakbo na ulit sana ako pero pinigilan ako ni ivan

"anong problema shawntel? may nangyari ba?" nag aalalang tanung ni ivan sa akin, alam ko na nag aalala siya ng sobra pero hindi ko magawang huminto at magsalita kaya tinignan ko lang siya na may naluluhang mga mata at hinila ang kamay ko ng bigla bigla at nagpatuloy ng umalis

kailangan kong makapunta kaagad dun sa kahit anong mangyari...hindi ako pwedeng mag babagal bagal...seryosong bagay to....

Taru Pov

sinundan ko na lang ng tingin yung babaeng nag mamadali na yun

ano ba problema nun? bigla bigla na lang tumatakbo...hindi ba nasaktan yun sa malakas na pag bagsak niya kanina? sa sobrang lakas kase napatingin pa yung ibang tao na nasa paligid namin

sa totoo lang alam kong mababangga niya kami pero hindi ko siya iniwasan gusto ko lang kaseng malaman kung anong dahilan kung bakit siya nag mamadali

hindi ko naman sinasadya na mabuwal siya, balak ko talagang hawakan siya kaso hindi ko naabot ang mga kamay niya kaya nabuwal siya

"hoy taru may alam ka ba kung bakit nag mamadali yun?" tanung sa akin ni ivan na akala mo kung sinong nag tatanung

sinamaan ko lang siya ng tingin

"aba malay ko dun" yun lang yung sagot ko kay ivan

"diba girlfriend mo siya?" sarcastic na tanung niya sa akin kaya yun ang dahilan kung bakit

tatapukin ko talaga sana siya kaso nakailag siya sa tapok ko, dahilan para bigyan niya ako ng muka na parang kenkoy..

nag smirk na lang ako sa kaniya na parang naasar na sa kaniya, pasalamat siya good fighter siya kundi bugbog sarado ito sa akin

lumapit naman sa amin si laine na nag mamadali na hingal na hingal

napahawak siya sa tuhod niya

pag katapos hinawak niya sa dibdib niya ang kanang kamay niya habang tinatry niyang habulin ang hininga niya habang tinatry niyang magsalita

bigla niyang tinapik yung braso ko

"taru sundan mo si shawn!! bilis!!" sigaw niya sa akin kahit na nasa malapit naman na siya

napakutkot na lang ako ng tenga, feeling ko kase nabingi ako sa ginawa niya

"bakit ko naman gagawin yun?" inis na tanung ko kay laine

nagkaroon naman ng mukang naiinis si laine...

"girlfriend mo kase siya!" paliwanag niya sa akin na inis na inis

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon