Chapter 32: The Unbeatable Vs. King of Gangster

211 12 1
                                    

Shawn Pov

"AT NGAYUN!! ITO NA ANG PINAKA HINIHINTAY NATING LABAN! EXCITED NA BA KAYO? DAHIL AKO AY EXCITED NA!"sigaw nung mc nila

hindi naman halata na excited siya.

sumagot naman ang crowd ng "yeah!" na sobrang lakas dumadagungdong na halos ang paligid, halos napatakip na nga ako ng aking magkabilang tenga sa sobrang lakas.

hindi ko akalain ganito sila kaexcited sa labanan nina taru at mark ian.

ganun ba kaimpluwensiya at kalakas ang gang nila para maging excited sila ng sobra?

napatingin ako kay taru na nag hahanda na. yung bang cool lang siya, kung ano itsura niya kapag tahimik siya ganun din ang itsura niya ngayun. hindi mo makikita na kinakabahan siya.

pero ako, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, para ba akong natatae na naiihi dito sa kinatatayuan ko. hindi na nga ako mapakali dito sa kinatatayuan ko, pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

gusto kong lapitan si taru pero alam ko na maiinis lang naman siya kung, you know papalakasin ko loob niya, eh ako tong mismong kinakabahan, alam niyo naman na inis sa akin yan kaya hindi ko na lang yan lalapitan.

"So tatawagin ko na napakatagal na nawala sa gang world! imagine 2 years! tapos ngayung taon lang na ito bumalik na siya at ito mismo ang unang laban niya! so mananatili pa kaya sa kaniya ang katagang "the unbeatable"? so ano pang hinihintay natin tawagin na natin ang leader ng isa sa pinakatanyag at pinaka malakas na gang! Heto na! Ang leader ng Blue Knight Warriors! TARU!!" sigaw ng mc na hindi matago ang kaniyang pagkaexcite sa laban na mangyayari.

halos lahat ng tao dito sumigaw ng napakalakas, pero hindi ko man lang magawang magtakip ng tenga. dahil ang atensiyon ko lang ay na kay taru habang lumalakad papunta malapit dun sa mc. gusto ko siyang tawagin, pero hindi ko magawa, gusto ko siyang pigilan pero hindi ko kaya kase hindi ako ang taong dapat gumawa nun kundi si sami.

dahil si sami ang taong minamahal niya.

napahawak ako sa bandang dibdib ko na kung saan kumirot na dahilan para mapadaing ako.

"okay ka lang?" nag aalalang tanung ni miki si akin.

napatingin ako sa kaniya at umiling. ibig sabihin ko dun ayos lang ako wag na siyang mag alala.

naglakad ako papunta kung saan malapit dun sa ring nila.

"At ang tinatawag ng demon fighter!!! at hindi pa natatalo simula ng gumawa siya ng ingay dito sa gang world!! Tinatawag din siyang The next generation King of Gangster!! Ang leader ng Black Sorrow! Mark Ian!!" sigaw ng mc na mas mukang nexcite habang papalapit na ang laban..

nagsigawan na naman ang tao. this time nagtakip na ako ng tenga. tapos umulit sa isip ko ang salitang "The next generation king of gangster"

pangalan pa lang sa kaniya nakakatakot na paano na si taru niyan

"ang oa naman nila king of gangster? hindi nga niya kaya si ivan eh" reklamo ni kenneth

"puro naman kadayaan alam niyan" reklamo ni miki

binawal lang naman sila ni eleven.

tinignan ko ulit si taru, tumingin siya sa akin na walang emosyon ang kaniyang pagmumuka. ako naman etong halata sa muka ko na gusto ko na itigil niya na ang laban.

pero bigla na lang siyang ngumiti sa akin na nag sasabing, wag mo kong maliitin hindi ako magpapatalo kaya wag ka ng mag alala.

hindi ko alam kung bakit ko siya naiintindihan sa tuwing gumagawa siya ng face na ganun.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon