Chapter 62: Maayos na usapan

231 17 2
                                    

----------
ano daw? tama ba yung pagkakarinig ko? si taru yung na fall out love?

di nga?

"A-ano?" pagtatanung ko kay taru para makonpirma yung sinabi niya.

napahiga naman si taru sa kama niya

"ewan, bigla ko na lang narealize na hindi na si sami ang hinahanap ko" walang emosyon niyang sabi.

tinignan ko naman siya ng mabuti, baka kase hindi siya nag sasabi ng totoo mahirap ng maniwala

"Naguguilty ako, but at the same time masaya, ewan" naguguluhan niyang sabi sa akin..

diba more than two years na ang relasyon nila? sa panahon na yun ngayun mahaba na yun pero si taru biglang nafall out?

ewan may masaya dito sa loob loob ko, halos tumatalon talon na nga yung puso ko sa saya, pati ako sa isip ko nag paparty na pero hindi ko manlang magawang ngumiti sa sitwasyon ngayun.

masyado naman akong pahalata kung gagawin ko yun

"may dahilan ba kung bakit?" curious na tanung ko kay taru.

nilingon niya naman ako at tumagilid siya ng higa paharap sa akin

"Pwede kaya yun?" innocenteng tanung niya sa akin.

hindi talaga ako masanay sa muka ni taru na para bang niloloko ako ng sira*long to eh.
ewan ko ba naiinis ako tapos kikiligin ako nababaliw na ata ako.

hindi ko namalayan nakangiti na pala ako kaya agad agad ko itong binawi and inset serious mode.

"ano yung pwede?"tanung ko kay taru.

dahan dahan siyang ngumiti sa akin na dahilan para mapatigil na naman niya ang mundo ko

hala bakit kailangan niyang ngumiti ng sobra sobra para bang nakakita ng gustong gusto niyang bagay ah.

"pwede ka bang ligawan?"

huh? hala! nabibingi na ata ako kung ano ano na lang yung naririnig ko.

itigil mo na nga yung pantasiya mo shawn!

bakit kase hindi alisin ni taru yang ngiti niya sa muka niya? nakakattract ah! tsk!

"huh?" pagpapaulit ko sa tanung niya kaya natawa siya ng bahagya habang nakatingin sa akin.

"Pwede ka bang ligawan?" sa pangalawang pag kakataon inulit niya ang tanung niya ng may mas seryosong pag mumuka.

kailangan ko ng mag pacheck up about sa tenga ko lumalala na ata ang pagiging bingi ko. oh dahil hindi ko lang nalilinis masyado ang tenga ko?. paalaa kapag maglilinis ng dumi sa tenga pakiayos ok?

"Mukang kailangan ko magpatingin kay dok teru about sa pandinig ko, nabibingi na ata ako hehe" naiilang kong sabi kay taru.

shawn relax... inhale exhale, inhale, exhale. nabibingi ka lang ok?

ng tinignan ko si taru nakakunot na ang mga noo niya sa akin.

o tignan mo! balat kayo lang talaga ang pinapakita niya kanina eh.

walang halong duda din nabibingi lang ako.

"Teru..tsk" inis na bigkas niya sa pangalan ni teru

hala nabanggit ko nga pala pangalan ng kinaiinisan niyang tao, sorry naman

"pacheck up lang ako ah!" natatarantang paalam ko kay taru

habang si taru nakatingin lang sa akin ng seryoso.

"alis na ako?" tinatanung ko si taru kung papayagan niya na ba akong umalis

"pano yung sagot mo sa tanung ko?" nakasimangot na sabi sa akin ni taru sabay pag upo niya sa kama niya.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon