Tell me if its love

363 18 1
                                    

Shawn Pov

"ouch"daing ko habang nilalagyan ni doc ng betadine yung sugat ko....hindi naman masakit yung betadine kapag nilalagay sa sugat ko sa tuhod pero masakit kapag nasasahig at mas masakit kapag si Doc. Mendez ang nag gagamot...ahihihi.. ginagamot kasi ni doc yung tuhod ko dito sa labas ng room ni mama...dito sa upuan na kaganina pa tingin ng tingin ng masasama yung mga nurse...ako naman...dedma sa kanila dun lang ako magaling eh...

"Sa susunod mag iingat ka kapag tumatakbo ka...ang tanda mo na pero nadadapa ka pa...ahaha nakita mo sigiro crush mo"asar sa akin ni Doc.nag pout naman ako...mature ako pero sa kanya umaasta ako ng kacutetan syempre para mapansin niya ako...ikaw ba naman gwapo na mabait pa matalino pa mayaman pa nasa kaniya na lahat ng hinahanap ko!! kung pwede lang gayumahin ko na siya eh...de joke lang crush ko lang naman siya eh...malaki talaga paghanga ko sa kaniya dahil siya ang doctor ng mama ko at hindi niya kami pinababayaan

"Si doc naman!! madilim po kase kaya ako nadapa! malabo naman kase talaga yung mata ko kapag madilim...wala akong makita"paliwanag ko kay doc pero si doc nakangiti lang habang nililinisan yung kabilang tuhod ko...

"Wag kapong ngumiti"pabulong na sabi ko sa kaniya...halatang hindi naman niya narinig kaya hindi siya nag response....

"Kamusta naman pag tatrabaho mo?"biglaan ni doc sa akin...kaya medyo nagulat ako sa tanung niya...nag kamot naman ako ng ulo

"Ok lang naman po napagalitan na naman ni auntie"sabi ko sa kaniya...

tinapos naman niyang linisin yung tuhod ko...tapos tumabi sa tabi ko at nag cross arm

"Sanay ka na dun diba?"tanung ni doc sa akin....tumango naman ako kay doc...ngumiti na naman siya...

"Nakikita ko sayo yung kapatid ko...parehong pareho kayo"bigla niyang open up sa kapatid niya...kaya napatitig na lang ako sa kaniya bale hindi kase siya nakatingin sa akin nakatingin siya sa kawalan habang nakangiti....feeling ko ang sweet niya namang kapatid...kapatid niya lang naiisip niya...sana may kuya rin akong katulad niya...ngumiti ako habang nakatingin kay doc...

maya maya may naramdaman akong kakaibang hangin napatingin naman ako sa dumaan...

binigyan ko lang siya ng pangkenkoy na muka dahil nakita ko na naman ang nurse na si Naomi na kapag nakikita ako binibigyan ako na napakatalim na tingin na parang papatayin ako tapos ang sama pa naman ng muka niya yung buhok niya kulot tapos ang itim ng eyebags as in sobrang itim parang hi di na siya natutulog eh tapos yung mga mata niya ang tatalim......saka mas nadadagdagan yung sama ng muka niya kapag nakikita niya kaming magkasama ni Doc.katulad na lang ngayun...habang sinusundan ko siya ng tingin...sinesenyasan niya ako ng ginagamit niya ang kamay niya na kunwari ginigilit or hinihiwa niya dun sa leeg ibig sabihin patay daw ako sa kaniya...kinukunutan ko lang siya ng noo...inalis ko naman yung tingin ko sa kaniya...

"Siguro close kayo ng kapatid niyo doc no?"hula ko habang nakangiti...

tinignan ako ni doc na may tingin na..."weh?" parang ganun yung itsura niya eh...so hindi sila close??

"Pareho kayo ng kapatid ko pero mas close kita kesa sa kaniya...kase malayo ang loob sa akin nun ng batang yun...magkapatid lang kase kami sa ama...Six years ang tanda ko sa kaniya...pero ni minsan hindi niya ako tinawag na kuya" habang nag kukwento si doc about sa kapatid niya...natadtad ko na ng kutsilyo yung kapatid niya sa isip ko...nakakainis yung batang yun ang bait bait ni doc eh....

"Minsan sa tingin ko nagkukulang ako bilang kuya...dahil hindi ko magabayan ang kapatid ko"daing ni doc sa akin...

tinap tap ko naman yung balikat ni doc...

"alam mo doc para sa akin dabest kang kuya at dabest kang doctor kase nagagawa mo pang alalahanin yung kapatid mo kahit na sobrang busy mo dito at kahit sobrang busy mo dito sa trabaho mo nagagawa mo pa akong alagaan kaya saludo ako sa sayo...gusto ko nga rin mag kakuya katulad mo eh..."positive na sabi ko para gumaan yung pakiramdam ni doc...

"pwede naman tawagin mo kong kuya..."nakangiting sabi niya...umatras naman ako palayo sa tabi ni doc...

"ayoko nga doc"tanggi ko sa alok niya...

ngumiti lang siya na parang nawiwirduhan sa akin...

"basta ayoko"yun na lang yung sinabi ko tapos nag walk oit na at pumunta sa room ni mama...nadatnan ko naman ang mahimbing na tulog ni mama...ngumiti ako at dahan dahang lumapit sa kaniya...

tapos hinaplos haplos ko ang kaniyang buhok...

"ma...wag po kayong mag alala hindi ko po kayo iiwan"nakangiting sabi ko...

tapos yumuko ako para halikan sa noo si mama...

pagkatapos nun kinwentuhan ko si mama about sa nangyari sa akin mag hapon...lahat lahat pati about sa nakita ko kaganina na mga prat dahilan para masugatan ako at dahilan para makasama ko si doc...

ultimate crush ko lang naman si doc
.....humahanga lang naman ako kay doc at wala ng iba....pag katapos nun kinuha ko na yung kumot ko na nakaligpit sa gilid ng sofa at humiga na ako sà sofa

bago ko ipikit ang mata ko iniisip ko na kailan kaya babait sa akin si mama....gusto ko sana mahalin niya ako katulad ng pag mamahal ng mama sa kaniyang anak...yun lang sapat na sa akin maranasan ko lang ang init na pag mamahal ng ina magiging masaya na ako...

pagkatapos nun unti unti ko ng pinikit ang mata ko oagpikit ko ang nakita ko yung lalaking nakapag titigan ko...bigla bigla akong napabangon....teka....baka huntingin ako ng lalaking yun??

"naku!!!" daing ko sabay talukbong ng kumot...

(so guys nagkita na po si taru sean at Shawn sa paanong paraan kaya magpaglalapit ang tadhan nilang tatlo? abangan!! Nakilala na rin natin ang mga malalaking role dito sa kwentong ito...patuloy lang po nating abangan ang mga next update...salamat po!)

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon