Chapter 65: May the best man win

201 17 1
                                    

Laine Pov

"Oh yes halos lahat ng kasali sa kalokohan ni marki nakulong na, depende na lang kung gaano sila tatagal dun sa kulungan, si marki nakasuhan ng attempted murder ewan ko lang sa iba, yung iba kase na kasamahan ni marki minor kaya pinunta sila sa dswd, yung ibang nakatakbo nung araw na iyon hinatulan ng white phantom" paliwanag ni miki habang kinakain yung mga prutas na nasa lamesa na para talaga sana kay taru.

tung babaeng to timawa talaga to, kaya ayun sinasamaan ko lang siya ng tingin, at ako naman tong dinededma niya, sapakin ko kaya to? tsk.

ibinaling ko na lang ang atensiyon ko kay taru kesa naman aksayahin ko pa oras sa walangkwentang miki na yan.

tumango tango naman si taru sa sinasabi ni miki habang nakaupo sa kama niya at nakacross arm na animoy lalim ng iniisip.

iniisip na naman nito si shawn.

dahil sa kalokohan ng isip ko bigla tuloy akong natawa ng bahagya ng di oras.

napunta tuloy atensiyon nila sa akin, nagkibit balikat na lang ako sa kanila.

"nga pala, Ang royal lady's at black sorrow ang sinasabi niyong nag kampihan? grabe ah, parehong tanyag na gang group ang dalawang yun kung nagkataon na nag karoon ng war baka hindi natin sila kayanin buti na lang at naunahan na natin si marki" sabi ko sa kanila, tumango tango lang sila sa akin.

"So about tayo sa break up niyo ni sami....paanong nangyari yun?! aber?! kakabalikan niyo pa lang eh!" reklamo ni miki kay taru, tinaasan ko lang ng kilay si miki sa sinabi niya, galit na galit te?

tumango tango naman ang apat na lalaking kasama niya kenneth, eleven, justin at daiko,

si daiko na kanina pa ako nginingitian dito.

kaasar tong lalaking to nang aasar na naman.

so about nga sa break up nina taru at sami kalat na naman bakit ang bilis kumalat ng balita, ano celebrity issue? dinaig pa ata scandal nito eh, napaka pakialamera talaga ng mga nasa gang page na yun.

hindi naman nag sasalita si taru kaya sinamangutan siya ni miki

"tsk di man lang sabihin ang dahilan!" reklamo ni miki habang tinitignan ng masama si taru

"hoy miki tumigil ka nga leader pa rin natin siya kaya wag na wag mo siyang ginaganiyan" suway ko kay miki habang tinataasan siya ng kilay, tinignan niya lang ako at pagkatapos inirapan niya.

siraulo talaga tong babaeng to. tsk.

"Naku sinabi ko na nga ba eh! dahil kay shawn yan no? inlove na inlove ka talaga sa babaeng yun" pang aasar na hula ni kenneth

napangiti na lang ako sa sinabi ni kenneth at bahagyang napatingin ako kay sean, halata naman na alam ni sean ang about sa feelings ni taru kase nakatungo lang siya, oh well tadhana na talaga ata nilang mag mahal ng iisang babae

kaya binigyan ko na lang siya ng mapait na ngiti.

tumingin ulit ako kay taru na may mukang di naman matanto, oo nga pala kahit ano namang pilit namin sa kaniya na sabihin ang dahilan nang pag bebreak nila ni sami di pa rin naman yan mag sasalita.

depende na lang kung sasabihin niya sa matalik niyang kaibigan na si sean, But I doubt it, parang hindi niya kayang isabi dahil alam niyang mahal din ni sean si shawn. hay... buhay nga nila magulo.

"Nag break kami dahil di ko na mahal si sami" walang emsoyon na sabi niya sa amin.

tsk. kung malapit pa rin kami ni sami siguro nasigawan ko na naman to buti na lang alam ko ang dahilan nang pag hihiwalayan nila

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon