Chapter 40: Pera

199 15 4
                                    

Sami Pov

Flashback

Andito kami ngayun sa isang lugar kung saan napakatahimik habang nakatingin sa mga bituin

tinignan ko ng dahan dahan si taru nakatingin lamang siya sa kalangitan na puno ng bituin ni hindi man lang siya nag sasalita

"taru.. " marahan kong tawag sa pangalan niya dahan dahan naman siyang lumingon sa akin

ngumiti ako sa kaniya the way how I used to smile kapag kasama ko siya

ngumiti siya ng tipid sa akin

wala parin namang pinag bago madalang pa rin siyang ngumiti

"Taru...ang totoo niyan nag aalala ako sayo kaya nilakasan ko talaga ang loob ko para makausap ka" mahinahon kong sabi sa kaniya

hindi pa rin naman nag babago ang expression ng muka niya

"ayos lang ako pasensiya na kung pinag alala kita" marahan niya ring sabi sa akin

kung paano niya ako kausapin nung mga araw na kami pa, ganun na ganun niya pa rin ako kausapin

nararamdaman ko na mahal parin ako ni taru, nararamdaman ko talaga

"taru.....mahal pa rin kita" nakayuko kong sabi kay taru
.naramdaman kong nagbago ako expression sa muka ni taru alam ko na magugulat siya sa sinabi ko

alam ko yun pero ngayun ko lang kase narealize na kailangan ko si taru... di bale na ako na ang mas nag mamahal sa aming dalawa bumalik lang siya sa akin at sabihing mahal niya pa rin ako ayos lang

magiging ayos din ang lahat

dahan dahan kung tinignan ang mga mata ni taru, dahil ang mga mata ni taru ay hindi nag sisinungaling.

nung nakita ko ang mata ni taru may lungkot sa kaniyang mga mata

na halos lagi ko naman nakikita yun pero mas lumala siya ngayun

hindi ba siya masaya sa girlfriend niya?

"taru napipilitan ka lang ba sa girlfriend mo? pinipilit lang ba ni laine sayo yung babaeng yun? kase alam ko hinding hindi mo ako ipagpapalit kase alam ko na mahal mo ko" naluluhang sabi ko kay taru

habang hinawakan ko siya sa braso niya

napayuko naman siya sa sinabi ko at hinawakan niya ang kamay ko

"namiss kita sami" biglang sabi ni taru sa akin dahilan para ngumiti ako ng sobrang laki at natuluyan ang kanina pang luha na nag babdyang lumabas

"sabi *hik* ko na eh mahal mo pa rin ako... diba mahal mo pa rin ako? kase mahal na mahal pa rin kita, kaya bumalik ka na sa akin" pag pupumilit ko kay taru

ilang minuto rin siyang di umimik sa kinatatayuan niya

alam ko naman na hindi kayang mag sabi ng *mahal kita* si taru kase hindi talaga siyang ganung tao

napabitaw ako sa braso niya

at nag punas ng luha

pinatung niya yung kamay niya sa ulo ko

habang may seryosong muka

"Sorry sami....."

napatigil ako sa pag iyak at tinignan sa mata si taru

"kung pinaghintay kita" pagkasabit pagkasabi ni taru na iyon biglang nagliwanag ang mundo ko at bigla bigla ko siyang niyakap

"taru!" sigaw ko

End of flashback

"so? ganun na yun? paano naman ng kaibigan ko? ginawa mong panakip butas taru?" inis na sabi ni laine kay taru

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon