TMIIL💐

206 15 0
                                    

Taru Pov

"alam mo taru wag ka ng umattend ng foundation day ng school na ito kami ng bahala mananalo kami sa basketball kahit wala ka" pag mamalaki ni ivan sa akin habang naka dikwatro na nakaupo sa harap ko na pinapanuod ako habang sinusuntok yung punching bag na nasa harap ko...

nag eensayo kase ako para sa laban namin ni mark..

sa totoo lang naisip ko na talagang mag patalo para mapasakaniya na si  shawn na ewan pero naalala ko ako pala mananagot sa kaniya

at saka hindi ako nag papatalo sa lahat ng laban kahit kailan

kahit inis ako sa babaeng yun hindi ko naman siya hahayaang mapunta sa walang awang mark na yun.

inayos ko yung buhok ko at tumingin kay Ivan

"ni hindi ka nga makapagdribble ng maayos" asar ko kay ivan

nginusuan niya lang ako.

"bakit hindi mo aminin na mas magaling ako sa inyo ni sean, mas magaling ako sa pakikipag laban pati na sa sports" pag mamalaki niya sa harap ko

tinanggal ko yung gloves sa kamay ko at binato sa kaniya ito

binlock lang niya ito ng kaniyang kamay

tapos ngumiti siya sa akin

kinuha ko yung tumbler na dinala niya sa akin

laman kase nun tubig, kahit ganiyan yan maalalahanin naman yan

"teka nasan ba si sean? dapat andito siya" hanap niya kay sean..

napalingon din ako kung saan lagi nakaupo si sean pero isang himala wala siya dun

bakit nga ba wala siya? hindi naman yun nagiging busy sa buong buhay niya

"Taru!!" biglang bukas ng pinto ng aming tambayan dito sa school

hay naku andiyan na naman ang makulit na si laine

napailing na lang ako

"nasan si sean? iniiwasan niya ba ako? kase hindi siya sumasagot sa tawag at text ko? anong gagawin ko?!!" natatarantang tanung ni laine sa akin

" alam mo mag pakipot ka naman kaya kahit kaunti" payo ko sa kaniya

kase kung ako magsasawa din sa ginagawa ni laine sundan ba naman kahit san mag punta si sean at lagi ba namang itext at tawagan sinong hindi makokota sa pinag gagawa niya?

"duh! pakipot ka diyan! di na yan uso!" sigaw niya sa akin

nag kibit balikat na lang ako sa kaniya.

bahala kayo sa buhay niyo

kinuha ko yung towel at nag punas ako ng pawis ko

"laine hinahanap mo ba si sean?" napatingin ako bigla sa nag salita

anong ginagawa niyan dito?

paano niya nalaman na ito ang tamabayan namin..tung gold digger na ito

"shawn alam mo kung nasaan siya?" tanung ni laine kay shawn

tumango tango lang si shawn

"san?" curious na tanung ni laine kay shawn habang hinawakan niya ito sa balikat

may tinuro naman sa likod si shawn sa likod niya habang nakaharap pa rin siya kay laine kase hawak hawak pa rin ni laine ng mahigpit yung balikat niya
.
"nakita ko siya sa library?" unsure na sagot ni shawn kay laine

"totoo ba yan?" pag tatanung ulit ni laine sa kaniya para masigurado lang yung sinasabi niya..

"oo nakausap ko pa nga sya eh" mahinang sagot ni shawn kay laine

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon