Chapter 50: Pamilyar na muka

199 12 3
                                    

---------------------------------
Sami Pov

Dahil weekend ngayun napagpasiyahan ko na ayain si taru na pumunta sa isang cafe. Ang saya ko nga isang sabi ko lang sa kaniya umoo na agad siya sa akin. Kase siguro alam niya rin na hindi ko rin naman siya titigilan kahit tumanggi pa siya sa akin.

habang naglalakad kami dahan dahan kong isunuksuk ang kamay ko sa pagitan ng kaniyang braso habang ang kaniyang kamay nasa bulsa niya.

pagkatapos kong gawin yun wala naman siyang sinabi na kahit ano, patuloy pa rin siya sa pag lalakad. Kaya napangiti na lamang ako.

alam ko na medyo lumayo ang amor sa akin ni taru, pero alam ko na babalik ulit ang pagmamahal na pinaramdam niya sa akin noon. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman na may kulang sa kaniya ngayun.

palagi siyang balisa at lagi wala sa realidad.

"taru..." at ngayun tinatawag ko siya dahil huminto siya sa paglalakad niya ngayun.

pero hindi niya sinasagot ang tawag ko sa kaniya, halos tinapik tapik ko na nga ang kaniyang balikat pero wala pa rin siyang response sa akin.

kaya tumingin na lang ako sa direksyon na tinitignan niya.

nanliit ang mga mata ko ng makita ko si shawn na kausap si sean. Magkalapit sila sa isat isa.

Para pa nga bang hahalikan ni sean si shawn.

napatingin ulit ako kay taru, si taru na walang expression ang muka habang pinagmamasdan sila.

Sana hindi totoo ang hinala ko, hinala ko na ang pagmamahal niya ay nasa iba ng tao.

hindi ako maniniwala dahil naging panakip butas lang naman si shawn. Ako ang tunay na mahal ni taru at hindi si shawn, Mas matimbang ako kesa kay shawn.

Isang sabi ko nga lang na bumalik sa akin si Taru, bumalik siya sa akin kaagad.

napahinto ako ng biglang kumunot ang noo ni taru, kaya agad agad akong lumingon sa gawi nila shawn...

pinatong ni sean ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ni shawn at may sinabi ito kay shawn.

pagkatapos nun tumango tango si shawn dahilan para ngumiti si sean ng sobrang laki.

may namamagitan ba sa kanilang dalawa? Akala ko si sean at laine? ah oo nga pala, naalala ko binusted ni sean si laine.

ibig sabihin si shawn ang girlfriend niya ngayun?

teka naguguluhan ako sa kanila.

"Taru sila bang dalawa?" biglang tanung ko kay taru

halata naman ang gulat sa muka ni taru dahilan para maalala niya na nandito ako sa tabi niya.

halos hindi ko maipinta ang muka ni taru ngayun sa tanung ko.

"bagay sila" walang emosyon kong sabi kay taru dahilan para mapatigil siya sa gumugulo sa isipan niya.

napabuntong hininga na lamang siya at nagsimula ng naglakad

"Taru diba sa cafe ang punta natin? halika na dun at batiin natin sila" pangungulit ko kay taru.

nakakunot lang ang noo ni taru habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Nawalan ako ng gana pumunta sa cafe sa iba na lang tayo pumunta saan mo ba gusto maliban sa cafe?" tanung sa akin ni taru habang nakatingin sa mga mata ko

binigyan ko lang siya ng napakagandang ngiti

alam ko na ako parin ang mahal mo taru, Alam ko yan dahil ako pa rin ang pinipili mo hanggang ngayun.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon