Chapter 86: Bagsik ni Queen

176 14 0
                                    

Laine Pov

nagkakagulo ang white phantom, sila sila mismong mag kakasama nag lalabanan, ang mga kasamahan namin hindi namin alam kung anong nangyari na sa kanila, napataob na ba silang lahat o may natitira pa, dun pa lang gulong gulo na ako kung ano ba talaga ang nangyayari, tapos heto sa harap namin si sami, malalaman mo na lang na siya pala si queen. paanong nangyari yun? napakabait ni sami, hindi rin siya lumalaban sa bully kaya nga lagi siyang nabubully.

huwag mong sabihin ginawa niya ang lahat ng yun para lang kay taru? ano ba talaga ang katotohanan?

tinignan ko si taru kung anong reaction niya sa nakikita niya pero tulala lang siya, hindi siguro nag si-sink in sa utak niya na si sami talaga ay si queen.

siguradong hindi niya ito matatanggap, inakala niya talaga na mabait si sami, napaniwala siya neto, tapos malalaman lang namin na nag papanggap siya?

"ano taru hindi mo ba kinaya ang pasabog ko para sayo?" natatawang tanung ni sami kay taru.

tinignan ko ng masama si sami sa sinabi niya. akala niya napakadaling tanggapin ang katotohanan na ito ni ako nga hindi ko matanggap.

tinignan ko ulit si taru pero seryoso pa rin ang tingin niya kay sami.

ano kaya iniisip nito ngayon? hindi ako sanay dahil wala kaming kaplano plano, sa sobrang takot ni taru na may mangyaring masama kay shawn hindi na niyang nagawang mag isip ng plano, kaya ngayun hindi ko na alam kung anog gagawi namin.

wala na ang white phantom, wala na rin ang mga kasamahan na tutulong sa amin, kung lalaban kami tatlo laban sa sampu? oh well sabihin na natin na yung the mean 5 wala naman talagang kwentang makipag laban ang mga yan, kahit magisa ko lang kaya ko na silang talunin, si taru kay marki at si ivan dun sa dalawang lalaki.

yun na ang pinaka the best na hati kung sakali mang makikipag laban kami.

kung andito lang si sean edi sana kaya namin silang sampu.

san ba kase pumunta si sean? nabugbog na ba siya?

impossible yun napakagaling ni sean, isa sa magaling makipaglaban si sean, medyo mabait nga lang.

"Baka hindi mo kayanin kapag may nalaman ka pang iba" napahinto ako sa pag iisip ng mag salita muli si sami.

anong ibig niyang sabihin?

dahan dahan namang nag lakad si sami palapit sa amin dahilan para mapaatras ako, samantalang si taru nanatili sa kaniyang kinatatayuan.

"Ano kaya magiging reaction mo kapag nalaman mo na may isang taong kasamahan mo ang tumraydor sayo ngayun?" napatigil ako sa kinatatayuan ko ngayun.

isang kasamahan namin ang tumraydor sa amin ngayun? huwang mong sabihin? si sean ang taong yun? hindi! hindi! hindi kayang gawin ni sean ang bagay na yun, matalik silang mag kaibigan, nag sisimula pa lang sila naging malapit na sila sa isat isa, dumating pa nga ang araw na nag paraya si sean,
o mali ako? nagkamali kami? ngayun ko lang naisip na hindi iyon impossible sapat na ang ebidensiya na meron kami ngayun.

nawawala si sean kasabay ng pagkawala ni shawn, ibig sabihin may kinalaman si sean kung bakit nawawala si shawn,  at minahal ni sean si sami, kaya possibleng sinusunod niya si sami.

sabihin mo sa akin ngayun sean, na hindi totoo ang paratang ko sayo, hindi yun totoo.

nakita kong napatiklop ng kamao si taru, halos lumabas nag mga ugat niya sa kaniyang kamay.

"Sino kaya yun taru? may ideya ka ba?" nang aasar na tanung ni sami kay taru habang papalapit ng papalapit siya kay taru.

"tumigil ka na sami! ano bang problema mo? bakit ka naninira ng samahan ng iba? ano bang kasalanan namin sayo? may rule tayo sa gang world sami! dapat alam mo yan! ang rule na iyon ay hindi dapat namemersonal, sami ang nakikita ko lang naman na dahilan kung bakit mo ginagawa ito dahil nasaktan ka ni tar----" napatigil ako ng ibaling niya ang kaniyang paningin sa akin at bigyan ng matatalim na tingin.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon