shawntel Pov
Ngayun nakatayo ako sa gate nina laine....nakatulala lang ako dun habang nakatingala sa napakalaking gate nila, isama mo pa na malaki yung gate nila pati bahay nila, iniisip ko tuloy kung ilang katulong meron sila, kase ang pag kaka alam ko lang naman eh only child lang si laine tapos yung papa niya nasa abroad nag papatakbo dun ng company tapos yung mama niya may foundation, at dun sa foundation lang nakatuon ang kaniyang buhay, naawa nga ako kay laine, siguro dahil nag hahanap siya ng pag mamahal na hindi kayang ibigay ng mama niya kaya siya nag kaganun, tapos ako etong kaibigan niya hindi ko rin siya napagtuunan ng pansin...
*beef*
bigla naman akong natauhan ng may nag busina mula sa likod ko kaya napatingin ako sa likod ko
tapos laking gulat ko may napakagandang kotse na nakahinto dito ngayun sa kinahaharapan ko, hindi ko alam kung anong pangalan ng kotse na ito dahil hindi ko naman alam kung ano pinagkaiba ng kotse, ewan na lang...
biglang bumukas naman yung bintana, at dahan dahan na lumabas yung ulo ng isang napakagandang babae, o pwede din natin ihalintulad siya sa prinsesa o di kaya naman isang angel
grabe napaka angelic ng kanyang muka,
"excuse me po miss pwede po mag tanung?" salita ng isang anghel
feeling ko dinadala niya ako sa kalangitan, hindi lang muka niya ang angelic pati rin ang boses niya
"miss, misss, miss?" tawag sakin nung babae, kasya natauhan naman ako sa pantasya ko
sana lahat ksing ganda niya, siguro maraming nag kakandarapa sa kaniya no... sabi ng uncle ko dapat wag akong mainsecure sa ganda ng iba kase bawat tao may uniqueness yan, lahat ng tao may kakaibang ganda,
sakin kaya saan? sa talampakan?
tsk
"po?" bigla bigla kong sagot
napangiti naman siya
"dito ba nakatira si Lalaine Gonzales?" mahinahong tanung niya
tapos pagkatapos niyang magsalita yung hinahangin niyang buhok hinawi niya tapos nilagay niya ito sa likod ng kaniyang tenga,
halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang ganda niya
kaya napatango na lang ako
pagka tango ko nawala yung ngiti niya tapos bigla niyang sinara yung bintana ng kotse niya at pinaandar niya na ito kaagad..
wait?
ano yun?
kumisilap ba siya o guni guni ko lang yun??
teka? teka?
nasan yung thank you?
kaya heto ako naiwang nakatanga, iniisip kung ano yung nangyari, dahil hindi ko talaga maintindihan, isang anghel ba talaga ang dumaan? o
ah ewan!
naramadaman ko namang bumukas yung gate nina laine kaya napalingon ako agad agad
At nagkatagpo ang mga mata namin ni laine,
medyo nag loading pa si laine kung sino yung taong nakikita niya ngayun dito sa harap niya
sa totoo lang hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit nandito ako sa harap ng bahay nila ngayun..
siguro dala ito ng malaking pangangailangan ko
haysst
so balik tayo sa realidad, it took so many years bago ako makilala ni laine, charot lang yun
![](https://img.wattpad.com/cover/177660978-288-k554934.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
أدب المراهقينIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...