Chapter 81: Hindi kita gusto

173 13 1
                                        

Taru Pov

habang nilalaro ko ang mga paa ko sa tubig, hindi ko sinasadyang mapatingin kung saan nagtungo si sean at shawn.

hindi ko maalis sa isipan ko kung ano ang pinaguusapan nilang dalawa, about kaya saan yun? hindi rin kase maalis sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni shawn kagabi, hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating sa mga sinasabi niya kagabi. Umaasa ako na yung tungkol sa sinasabi niya ay about sa nararamdaman niya sa akin, may parte sa akin na baka gusto ako ni shawn, may part din sa akin na baka gusto niya na akong patigilin. baka gusto niya na akong unahan bago pa madeveloped itong nararamdaman ko sa kaniya...

ayyy mali. mahal ko naman talaga siya, nahihirapan lang talaga akong umamin, hindi dahil ayokong pumasok sa relasyon na hindi kami sigurado, all this time naging alibi ko lang ang palusot na iyon, pati sarili ko niloloko ko na lang. alam ko na mahal ko si shawn subalit hindi ko masabi sa kadahilanang, alam ko na may mahal siyang iba. natatakot akong sumugal, natatakot akong mapahiya, siguro tama si teru, mapride akong tao.

nabalik ako sa realidad ng nakita kong naglalakad ng sabay si sean at shawn, kita sa muka nilang malungkot silang pareho, pero si sean halata sa kaniya na kahit malungkot siya tinitignan niya ang nilalakaran ni shawn, napaka gentleman talaga ng taong ito.

kung mapupunta si sean sa kaniya hindi ba mas magandang ideya yun?

nung magtagpo ang aming mga mata ni shawn bigla nagliwanag ang mga mata niya at binigyan niya ako ng isang napakagandang ngiti. mula sa mabagal na paglalakad tumakbo siya ng napakabilis papunta sa akin.

binigyan ko siya ng isang faint smile. at binaling ko kay sean ang paningin ko. paningin ng nagtatanung kung ano ang pinagusapan nilang dalawa.

umiling lang sa akin si sean at tinap ang balikat ko at iniwan na kami dito sa pool ni shawn. anong nangyari? halata kay sean na malungkot siya kaya hindi ko matigilang ibaling ang tingin ko kay sean.

"binusted ko si sean" natigilan ako ng biglang nagsalita si shawn kaya nanlalaki ang mata kong tinignan si shawn sa sinabi niya.

nilalaro lang naman niya ang tubig sa pool gamit ang kaniyang mga paa.

napakunot tuloy ang noo ko sa kaniya.

"bakit?" nagtataka kong tanung kay shawn habang may nakakunot pa ring mga noo.

napangiti naman siya sa ginagawa niya at pagkatapos nun nilingon niya ako ng may ngiti sa pag mumuka.

"Sa tingin ko para kay laine talaga siya" nakangiti niyang sagot sa tanung ko.

tumalim ang mata ko sa sinabi niya at inalis ang tingin sa kaniya.

"So sa dahilang iyon? binusted mo si sean? paano naman yung nararamdaman niya?" medyo may inis na tanung ko sa kaniya

napasulyap ako kung ano ang reaction niya sa tanung kong iyon, subalit nanatiling nakangiti pa rin siya.

at ang kinabigla ko hinawakan niya ang kamay ko at nilingon ng may mas napakagandang ngiti.

ano yun shawn? bubustedin mo rin ba ako katulad ni sean? hindi ko mapigilang isipin yun dahil hindi naman ako ang taong gusto mo.

"tara na taru maligo!" excited niyang hila sa kamay ko.

napabitaw ako sa kamay niya dahilan para mawala ang ngiti niya sa mga labi niya.

"Nagagalit ka ba dahil binusted ko si sean?" seryosong tanung niya sa akin.

tumango ako ng direstsyahan sa kaniya, alam ko na dapat mas maging masaya ako dahil binusted mo si sean, para naman mabawasan ang kakompetensiya ko, pero hindi maalis sa isipan ko na baka ako ang isunod mo.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon