Chapter 51: But soon

204 18 2
                                    

---------------------------------
Shawn Pov

"sami"

yun na lang ang nabanggit ko sa kadahilanang nagulat talaga ako.

hindi naman kami close para tawagin niya pangalan ko kaya nagtataka talaga ako.

napatingin naman ako sa pagkakahawak niya kay taru sa kadahilanang mas humigpit kase ang hawak niya kay taru.

napatingin ako kay taru, na ang sama sama ng tingin niya sa akin habang naka taas ang isang kilay nito.

ano-itsura-yan-look

napahinto ako dahil....kinakausap niya ba ako gamit ang mga mata niya?

ewan ko nakaramdam ako sa puso ko ng saya, after ng ilang linggo nagawa niya ulit akong tignan at kausapin

ewan ko ba piling ko naiiyak ako. alam kong mali ang nararamdaman kong saya dahil alam ko na may mahal na siya pero ayaw naman mag paawat ng puso ko kahit mali, sumasaya pa rin ako, sira din ako eh, tapos mamaya masasaktan na naman ako.

natauhan ako ng kinausap ulit ako ni taru sa kaniyang tingin

ano-na?-look

sasagot sana ako ng mahagip ng mata ko ang presensiya ni dok teru sa likod nila.

"shawn! I'm sorry kung pinaghintay kita" nagmamadaling lakad ni dok teru papunta sa harap ko at hinawakan ang balikat ko

medyo na ilang naman ako kase nahawakan niya ang balat ko kaya inalis ko ang pag kakahawak niya sa akin. nahalata naman iyon ni dok teru

"uhm sorry shawn" paghingi ng tawad sa akin ni dok teru na dahilan para makonsensiya ako sa inasal ko.

"hala hindi ko sunasadya yun dok teru wala kang ginawang masama"tarantang sabi ko kay dok teru.

"kuya teru hello po" bigla akong napatigil sa pagiging taranta ng maalala ko na nandito pa pala yung dalawa sa harap namin akala ko umalis na sila.

dahan dahan kong sinilip si taru, bigla akong kinilabutan sa tingin niya, ang sama sama ng tingin niya sa akin

ano bang problema niya? nakakainis iniisip na naman siguro ng isang to inaakit ko si dok teru.

"ah hello sami..nagbalikan na pala kayo ni taru"medyo gulat na sabi ni dok teru at napatingin sa akin na may nag aalalang muka

psh kilala niya pala si sami

"ok lang ako dok teru tara na po baka malate pa tayo sa sinehan" sabay hawak ko sa wrist ni dok teru at hihilain ko na sana siya kaso ayaw niya pang mag pahila

naman dok teru wag kang ganiyan!!

"akala ko busy ka shawn kaya tinanggihan mo si laine sa offer niya na manuod yun pala iba ang inuna mo" napatigil ako sa sinabi ni sami.

napatingin ako sa kaniya ng may seryosong pagmumuka napatingin ako kay taru na ang sama ng tingin sa pagkakahawak ko kay dok teru sa wrist neto

agad agad akong napabitaw sa pag kakahawak ko kay dok teru

medyo nag pintig ang dalawang tenga ko sa sinabi ni sami eh kahit sinabi niya yun in a nice way iba pa rin ang pag kakaintindi ko sa sinabi niya

"nauna kase si dok teru" yun na lang ang sinabi ko

at saka wala akong naaalalang kailangan kong mag paliwanag sa kanila

"manunuod din ba kayo taru?" nakangiting tanung ni dok teru kay taru samantalang si taru nakatingin lang ng masama sa akin

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon