Chapter 68: Sayo lang ako

176 11 4
                                    

Teru Pov

habang nag dadrive ako pauwe napatingin ako sa orasan ko.

akala ko eleven na ng gabi, 10 pm pa lang pala, mukang napaaga ata uwe ko ngayun hindi ko na rin namalayan dahil sa pagod..

tiyak na aawayin na naman ako ng kapatid kong yun.

pagdating ko sa bahay pinagbuksan naman ako ng aming katulong  ng gate binuksan ko yung bintana para makapag thank you man lang.

pag park ko sa sasakyan ko, hindi ko maiwasang mangiti habang bumababa sa sasakyan ko.

ngayun ko lang naranasan na itext ako ni taru, dati kase ako ang nangungulit sa kaniya ngayon siya na nangungulit sa akin, sa babae nga lang.

pagbukas ko ng pinto nakita kong nakaupo sa sala si taru habang nanunuod sinilip ko naman kung anong pinanunuod niya, natawa ako ng bahagya dahil balita ang pinapanuod niya, kelan pa ito nahilig sa balita.

tinignan niya naman ako ng masama dahil sa pagtawa ko ng mahina.

"tsk, si shawn?" inis na tanung niya sa akin

binigyan ko lang siya ng mukang innocente kaya mas lalong kumunot ang noo niya

"hindi ko alam, hindi naman siya dito nakatira" sarcastic kong sabi kay taru habang nakangiti sa kaniya.

kinuha niya lang yung unan sa sofa at binato sa akin sinapo ko lang ito at binalik sa sofa kung saan niya ito kinuha.

"g*g*" malutong niyang mura sa akin, tung batang to di ko alam kung san natutong magmura.

"alam mo taru minsan galaw galaw ka din sige ka baka maunahan ka pa ng iba" asar na sabi ko sa kaniya.

mukang hindi naman niya ito naintindihan kaya kinunutan niya ako ng noo.

"anong sinasabi mo?" inis na tanung niya sa akin

ngumiti lang ako sa kaniya

"nabalitaan ko na nililigawan mo pala si shawn, anong lagay niyong dalawa? may improvement ba naman?" nang aasar kong sabi kay taru dahilan para mapatahimik siya sa kinauupuan niya at nag cross arm dun.

"mukang good boy ka na ah? himala ang aga mong nandito sa bahay" seryoso kong sabi kay taru pero hindi niya pinapansin ang sinasabi ko kaya napangiti na lang ako at tumalikod na sa kaniya.

dahil kay shawn madalang na siyang umuwi ng madaling araw dito sa bahay, hindi na rin siya nag dadabog tuwing sasabay siya kumain sa amin ng breakfast palagi na siyang good mood, nung isang gabi nga lang ata nakita kong ngumingiti siya ng mag isa sa sala.

naisip ko na inlove talaga ang batang to.

paano ko ba naman ipagkakait si shawn sa kaniya kung tanging si shawn lang ang mag papasaya sa kaniya

habang nag lalakad ako sa hagdan, napahinto ako ng tawagin niya ako.

"teru, hindi pa kayo ni shawn diba?" biglang tanung ni taru sa akin kaya hindi ko napigilang mapangiti sa tanung niya.

sinabi ko na ngang hindi ko ipag kakait si shawn diba, huwag kang mag alala sayo lang si shawn.

"walang namamagitan sa aming dalawa, masaya ka na?" pagkasabi ko nun nilingon ko siya ng bahagya

napansin kong napangiti siya sa sagot ko.

ang manhid mo rin taru, ikaw ang gusto ng taong gusto mo bakit hindi mo pansin iyon?

tumalikod na ulit ako sa kaniya.

hinding hindi magiging kami ni shawn dahil wala akong balak agawin ang kaligayahan ng minamahal kong kapatid.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon