Shawn Pov
lumipas ang ilang araw pero walang nangyaring maganda sa amin ni taru, sabi ni laine busy daw si taru sa gang nila, may nangyari daw kase at labas na ako dun kaya huwag ko na daw problemahin. So dahil nga laging busy si taru hindi kami nagkaroon ng time sa isat isa, kapag nagkakasalubong lang kami ngingitian niya lang ako, minsan naman papasabi niya kay sean ang gusto niyang sabihin sa akin, natatawa nga ako dahil okay lang kay sean yun, nagbibiro pa nga siya about sa sinasabi ni taru.
Bumalik na ulit ako sa bahay nila laine dahil nahiya na naman ako sa hospital, alam niyo na hindi dapat tambayan yun hahaha.
kaya ayun kinapalan ko na ang hiya ko kay laine pero sabi ni laine para na rin naman niya akong kapatid kaya wag na akong mahiya, muntikan na akong maiyak nun, napakabait talaga ni laine sa akin buti na lang nakilaka ko siya kung hindi, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
"shawn!!" nabulabog ako sa pagpupunas ng lamesa ng tawagin ni laine ang pangalan ko mula dun sa kwarto niya.
yung babaeng talagang yun napaka eskandalosa, nasa second floor siya tapos ako andito sa sala, sisigaw sigaw ng malakas
nga pala bago ko makalimutan pumasok ako bilang katulong kila laine, at personal alalay na rin ni laine buti nga ang bait ng mga magulang ni laine tinanggap ulit nila akong mag trabaho dito, napakaswerte ko talaga sa pamilya nila.
nakita ko naman na nagmamadaling bumaba si laine nung nakita niya akong nakatingin sa kaniya na ang sama sama habang nakatigil sa pagpupunas ng lamesa. pinagmasdan ko lamang siya sa pagbaba ng hagdan habang may excitement sa kaniyang pagmumuka.
ano na naman kaya ang nangyari dito sa babaeng to?
nung nakababa na siya agad agad siyang sumugod sa akin at hinawakan ako sa aking mga braso.
"shawn gumayak ka at may pupuntahan tayo" excited na excited na pagkakasabi ni laine sa akin habang niyuyugyog niya pa ako, napabitaw tuloy ako sa hawak kong basahan at napahawak sa kamay niya na nakahawak sa braso ko
"saan naman?" nakakunot noo kong tanung sa kaniya sabay alis ng kamay niya sa braso ko
"sa ***** **** Resort" kalmadong sabi niya sa akin pero may mga ngiti sa labi niya habang sinasabi niya iyon.
mas kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, dahil wala naman akong gagawin sa resort na iyon, anong gagawin ko dun?
"anong gagawin ko dun?" nakasimangot kong tanung sa kaniya
"edi ano pa dun tayo mag ki-christmas! naku! wag kang kj minsanan lang ito! and guess what? siguradong hindi ka makakatanggi dito, kasama ng pamilya ko at ang pamilya nila taru na mag cecelebrate ng christmas duon sa resort na iyon! aayaw ka pa ba? si taru na yun eh!"pangungumbinsi sa akin ni laine, actually nung narinig ko ang pangalan ni taru, nag pintig ang dalawa kong tenga at kumislap ang aking mga mata pero panandalian lamang yun sa kadahilanang sumagi sa isip ko si mama Kaya napasimangot na naman ako.
"ayaw mo? ayaw mong makasama si taru?" takang takang tanung ni laine sa akin.
kailan pa gusto ng babaeng ito na magsama kami ni taru? lagi nga niya kaming pinag hihiwalay eh.
"Paano si mama? ilang araw din yun, walang kasama si mama, malulungkot yun" nakanguso kong paliwanag sa kaniya,B napairap naman siya sa hangin at napabuntong hininga na halatang naasar siya sa dinahilan ko
December 22 na ngayun so kung dun kami mag papasko, tatlong gabi at dalawang umaga ang ilalagi namin dun sa resort na iyon, hindi pa naman ako sanay na hindi ko kasama si mama tuwing pasko, siya na kase parati ang kasama ko sa tuwing may okasyon kahit na palagi niya lang akong tinutulugan.
![](https://img.wattpad.com/cover/177660978-288-k554934.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
Teen FictionIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...