Chapter 27: Dalawa na paborito kong tao😘

227 16 0
                                    

Shawn Pov

habang nakatalungko ako dito sa upuan sa labas ng hospital habang tinitignan ang kawawa kong paa na ngayun ko lang naramdaman na minamanhid na siya sobrang pagod,

so totoo lang mas naaawa ako sa paa ko kesa sa sarili ko, kung titignan mas kawawa siya, ginamit ko na naman siya ng sobra, hindi ko na naman  siya pinag pahinga.

habang nag mumuni muni ako ng kung ano ano

bigla na lang may dumampi sa pisngi ko na sobrang lamig

ng tinignan ko kung saan man lupalop na nang gagaling yun

nakita ko si taru na may hawak na tubig na naka bottle at dinikit niya yun sa pisngi ko

yun ang dahilan kung bakit may dumamping malamig sa pisngi ko

tinignan ko lang siya ng

"ano yun look"

pero sinagot niya lang ako na

"tubig kunin mo na bilis look"

diba? tingin pa lang yan pero wala pa ring pinagbago mapang utos pa rin

pero dahil bumait naman siya kahit kaunti kinuha ko ito at inunom

pagkatapos kong kunin at inumin yung tubig nagulat na lang ako sa sumunod niyang ginawa

umupo siya sa tabi ko

alam niyo ba yung upuang walang sandalan? yung semento lang?

kumayang siya dun na umupo paharap sa akin at iniharap niya ang muka ko sa kaniya

kaya yung muka ko na nakaharap sa kaniya, nanlalaki ang mata na may hindi pa nalulunok na tubig..
pero dahan dahan ko iyong nilunok....

dug.

wait ano yun?

anong tunog yun?

inilabas niya yung bagay na nasa bulsa niya, yun yung cotton buds, betadine atsaka alcohol at band aid

teka anong ginagawa ng taong to? sinapian ba siya ni doc teru? si doc teru kase ang gumagawa ng ganitong bagay eh? plano bang maging doctor neto? kaya niya ako ginagamot?

"do---" aasarin ko sana siya ng doc taru kaso hinawakan niya ng marahan ang baba ko at marahan niyang dinampi ang cotton buds na may betadine

dug.

masyado bang malapit ang muka niya?

dug.

kaya medyo kinakbahan ako? kase kapag si doc teru ang gumgamot sa sugat at pasa ko iba ang nararamdaman ko natutuwa ako. pero bakit sa kaniya kinakabahan ako?

dug.

dahil ba hindi ako sanay na gentle si taru?

nakuha ko na ba yung soft side ni taru na sinabi nila?

inihipan niya ng marahan yung nilalagyan niya ng betadine

dug.

pag katapos nilagyan niya ng band aid yung sugat ko sa pisngi

pagkatapos niyang gawin yung bagay na yun may binagsak siya sa baba

"suotin mo yan, kawawa kase yung paa mo" sarcastic niyang sabi sa kin

yung tinignan ko yung sinasabi niyang suotin ko, yun ay tsinelas na ginagamit ng pasyente

"alam mo taru hindi ako sanay na ganiyan ka, ang sweet mo naman sa girlfriend mo" joke ko sa kaniya

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon