Chapter 1

789 22 0
                                    

#HoldMeClose01

ALAS SAIS ng umaga, nagising na din ako agad at bumangon. It's the first day of New Year.

Kanina, habang sinasalubong ng lahat ang panibagong taon, I watched the different beautiful fireworks on my balcony, drinking coffee. It's hard to be the in-between child but I guess it's okay too. I get to love more people.

I've been spending almost all of the holidays dito sa condo kong 'to. Sometimes, I go out with my friends but most days, I'm studying and reading. I have my peace inside this four walls.

Ibinaba ko ang dalawang paa ko habang nakaupo sa gilid ng kama ko at sinuot ang comfy slippers ko.

"Happy New Year, self." I whispered to myself and tap my own back then got up from my bed. I got my cellphone and grabbed my pamuyod and tie my hair up before going to the bathroom.

Nag-toothbrush at naghilamos lang ako. Nagpupunas pa ako ng mukha at kakabukas ko pa lang sa pintuan ng kwarto ko ay narinig ko na agad na may nagluluto. Bumalik ako saglit dahil muntik ko na naman makalimutan ang cellphone ko. Nilagay ko na 'to sa bulsa sa likod ng shorts ko.

Bawal malimutan ang phone!

"Good morning and Happy New Year!" bati ni Ate Happy sa akin.

"Good morning and Happy New Year din sayo, ate." Ngumiti din ako sa kanya. Nag-celebrate siya kasama sina Tita, sa part ng Papa ko, kaya umuwi din siya sa kanila for two weeks. Actually, sinasama niya ko pero humindi ako kasi it's their time to be with each other, baka mahassle pa sila pag nando'n ako.

Si Ate Happy ang madalas kong kasama dito sa condo ko. Pinsan ko siya, which is sa part nga ni Papa, at pumapasok lang din sa school na pinapasukan ko. Share kami dito sa condo na niregalo ni Tita sa kanya pero tig-isa kami ng kwarto.

Sinilip ko ang niluluto niya. Fried rice.

"Aga mo naman masyado. Anong oras ka dumating?" sumandal ako sa may kitchen sink at pinagpatuloy ang pagpupunas sa mukha ko habang kinakausap si Ate Happy.

"Mga 5? Tinakas ko na yung kotse kasi baka wala pa tayong gamitin mamaya." she even laughed loudly.

Nahawa ako sa tawa niya kaya napatawa din ako.

"'Te, magkakape muna ako sa may coffee shop." sabi ko habang naglalakad pabalik sa kwarto para kumuha ng jacket.

"Hindi ka na magbebreakfast?" narinig kong sigaw niya.

Nakita ko rin ang specs ko kaya kinuha ko din yun bago nagpunta sa harap ng closet ko para kunin ang favorite kong hoodie jacket ko na black. Sinuot ko yun pati na rin ang specs ko saka naglakad ulit palabas ng kwarto.

"Mamaya na lang. May kailangan din kasi akong basahin."

Umiling-iling siya.

"May pupuntahan tayo mamayang 11, okay? Wag mong kalimutan." paalala niya.

"Oo na. Saan nga ba ulit 'yun?" Kumunot pa ang noo ko.  Matagal nang binabanggit sa'kin ni ate na may pupuntahan nga kami ngayon pero di ko matandaan kung saan nga.

"'Di ko din alam eh. Magdala daw ng dress sabi ni Jessica."

Dress?!

"Pwede bang magpantalon na lang ako?"

Inirapan niya ako. Arte nito.

"Dress nga 'di ba? Saan do'n ang pantalon?" sabi niya kaya sinimangutan ko na lang siya. Pwede naman sumagot na lang siya ng oo or hindi.

"Ihanap mo na lang ako sa damitan ko 'te." sabi ko habang nagpapalit ng tsinelas na panglabas bago ko binuksan ang pinto palabas ng condo.

"Before 11 ha!" she screamed.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon