Chapter 14

461 9 0
                                    

(a/n: I'm choosing the characters. Legit na 'to this time. Hahaha.

Fill out the form below then DM niyo po sakin sa twitter account ko after niyo po sagutan. Kung gusto niyo lang po maging one of the characters here. I'll be choosing two! I-a-announce ko po yung mapipili ko sa chapter 15. Thank you! Enjoy reading!

ps: Yung form po ay nasa baba after niyong magbasa. Hehehe. wuv u!)

#HoldMeClose14

HINDI ko alam kung saan kami papunta ni CK. Basta tahimik akong nakatingin lang sa labas ng bintana habang seryoso siyang nagdadrive. May mahinang tugtog na nagpeplay sa radyo.

Tumikhim si CK bago ko narinig ang tanong niya.

"Okay ka lang ba?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Okay lang ba ako? Is it okay to be betrayed by a family? Okay ba dapat ang sagot sa ganoong tanong? Okay lang ba na nagsinungaling sakin si Kuya? Okay lang ba na nagsisinungaling sa pamilya namin si Kuya?

I'm not okay. What he did is not okay. It will never be okay, for now.

Naintindihan ko naman na kaya nila ako pinapalayo sa mga Marquez ay dahil ayaw nilang madamay ako sa gulo nila. Naintindihan ko yun. At hanggang ngayon ay pinipilit kong intindihin kahit hindi ko alam kung bakit kailangan ay kasali ako sa gulong ginawa ni Kuya.

Kung tutuusin ay hindi ako involved doon. But since I carry their name, I must also avoid what they avoid. I must follow their rules because I am an Andrada. I understand all of it and I accept it whole-heartedly in my heart.

Pero paano ko iintindihin yung kay Kuya? Paano magiging okay ang pagsisinungaling niya?

Sinabi niya sakin na iniwan na niya si Bianca. He was so sorry that time. Hindi man directly involved si Bianca pero isa siya sa dahilan kung bakit muntik nang bumagsak ang kompanyang pinaghirapan ni Papa at ni Tita Angeline. Kuya Elias know that. He's fully aware of it.

Kaya ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa niyang maglihim na ngayon. Papa surely doesn't know it. At kapag nalaman niya ang tungkol doon? Kuya will be definitely dead.

"Gusto mo bang kumain?" sumubok ulit si CK na kausapin ako pero umiling lang ako.

I'm not in the mood to talk and eat. I feel so tired.

Ganoon pala yung pakiramdam kapag tinraydor ka ng malapit sayo. Pakiramdam mo naubos lahat ng energy mo sa katawan at wala kang gustong kausapin o kainin man lang. You just want silence.

Kanina pa vibrate ng vibrate ang cellphone ko dahil sa tawag ni Kuya pero hindi ko man lang yun ginalaw. Hindi ko na alam kung nasaan kami pero kita kong nasa mataas na lugar kami dahil nakikita ko ang ganda ng view sa baba. Itinigil ni CK ang sasakyan at ibinaba ang bintana ng kotse kaya naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin ngayong hapon. Pinatay niya rin ang engine ng kotse.

Hindi pa rin ako umiimik. Muli ko ulit naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Pinatay ko na ito ngayon.

I just want peace for now. Ayokong may masamang masabi kay Kuya kaya hangga't maaari, ayoko munang makausap siya. Seeing the view calms me. I hope the calmness stays this way. Pero alam kong hindi. Siguradong tatawagan ni Kuya si Papa dahil hindi niya ako macontact. It will be a mess, I'm sure.

Ilang minuto kaming tahimik ni CK bago ko naramdaman ang paglabas ni CK sa kotse. Hindi ko siya nilingon.

Hanggang sa nakita ko siya sa nay harapan ko. Nakadungaw sa akin sa bintana. He's smilig at me.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon