Chapter 39

527 21 18
                                    

#HoldMeClose39

NAGLAKAD ako sa maliit at makipot na daanan papunta sa garden ni Tita. Nagbilin na lang ako na dalhan ako ng kape at umoo naman sila. Ang garden ni Tita ay nasa gilid ng may kalakihan nilang swimming pool. Mayroon siyang outdoor swing sofa doon na may kapares na maliit na table, sakto lang para sa gustong tumambay doon at mag-relax. Pinagmasdan ko ang ilang bulaklak doon at mga halaman ni Tita. Ang galing talaga niya mag-alaga. Mayroon talaga siyang green thumb.

Umupo ako sa outdoor swing sofa at itinaas ang paa ko doon. Nakamaong shorts lang ako at simpleng itim na shirt kaya naman pakiramdam ko ay relaxed na relaxed talaga ako. Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko saka pumikit. Parang masarap matulog dito ah. 

Napamulat lang ako nang marinig kong may naglapag na ng kape ko sa lamesa. Nanlaki ang mata ko dahil si CK ang nagdala ng kape ko dito. Nasaan si ate na inutusan ko?

"Bakit ikaw ang may dala ng kape ko?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Uupo sana siya sa may sofa pero itinumba ko ang mga unan na naroon para hindi siya makaupo sa tabi ko.

Bumuntong hininga siya bago tumingin muli sa akin.

"Kamusta ka na?" napansin kong parang hirap na hirap siya sa simpleng tanong niya na 'yon.

"I'm good." simpleng sabi ko sa kanya at kinuha ang kape ko sa lamesa. Nakatayo siya sa harap ko at nakapamulsa. He really became taller. Nang humangin ng kaunti ay naamoy ko siya. Ganoon pa din ang pabango niya. Tumaas ang balahibo ko nang magbalik sa akin ang alaala naming dalawa sa nakaraan. I mentally slapped myself for remembering those memories. Masama talaga na makita ko siya ng ganitong kabilis. All the memories I've forgotten were triggered all because of him.

"Mabuti." at tumango-tango pa siya bago yumuko na parang nadisappoint.

Nakonsensya naman ako kaya tinanong ko din siya. Ayoko sanang magkaroon ng away o awkwardness sa pagitan namin kaso hindi rin pala talaga maiiwasan. I used to think we were so perfect for each other. But I guess we are really bound to break.

"Ikaw? Kamusta?" hinipan ko ang kape ko at sumimsim doon ng kaunti. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya. Matapang ako kapag hindi siya nakatingin sa'kin pero kapag siya naman ang nakatingin sa akin, iniiwas ko ang paningin ko.

Kita ko ang malungkot niyang pag-ngiti habang nanatiling nakayuko.

"Miserable." simpleng sagot niya at inangat ang tingin sa akin. Nagtama ang tingin namin. Nakita ko doon ang sakit, lungkot, at panghihinayang. Hanggang ngayon pala talaga, expressive pa rin ang mata niya. Binalewala ko ang kaunting awa na nararamdaman ko para sa kanya.

"Bakit? Ah, I think I know why. I'm sorry for what Mama and Tito Romer did to your family." siguro, kaya siya malungkot ay dahil 'yon sa hindi natuloy na kasal nila ni Katherine. 

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "I also feel sorry for your broken engagement with my sister. Sayang 'no? Magiging brother-in-law na sana kita." I even faked a laugh.

Pero hindi yata siya natawa katulad ko. Ramdam ko ang inis niya at kita ko ang pamumuo ng kamao niya. Bakit? Anong ikinaiinis niya?

Dahil parang hindi na naman yata siya magsasalita, ipinagpatuloy ko na lang ang pag-inom sa kape ko. Binilisan ko ang pag-ubos dito para may dahilan na ako para umalis sa harap niya. Bakit ba kasi sumunod pa siya dito? Nasa living room naman ang mga kaibigan niya ah.

"Ayokong maging brother-in-law mo. Mabuti na din at nangyari 'yon." seryosong sabi niya.

Nagkibit ako ng balikat at itinuloy ang pagsaid sa kape. Saktong naubos ko na ang laman nang nagsalita muli siya.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon