Special Chapter #4

333 14 1
                                    

Special Chapter 4

Nagising ako mula sa isang mahabang tulog.

Napangiti ako ng bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Vivoree. Magulang-magulo ang buhok at  nakayakap sa’kin. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at hindi man lang siya gumalaw.

Gusto ko pa sanang panoorin siya hanggang sa magising siya, katulad ng madalas kong ginagawa kapag una akong nagigising sa kanya, pero dahil alam kong maraming kailangang gawin ngayon, nagdesisyon na akong bumangon.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at tumayo na para maghanda ngayong araw.

Bumaba na ako para sana magluto ng umagahan namin kaso nakalimutan kong nung isang linggo pa nga pala nandito sa bahay namin ang ilan sa mga kasambahay nila Papa at Tita Angeline.

Hindi sila pumayag na kaming dalawa lang ni Vivoree ang nandito sa bahay lalo na at may kalakihan ito.

“Good morning, sir.” Sabay na bati ni Ate Medi at Ate Rosa. Silang dalawa ang madalas na all around dito sa loob ng bahay namin. May dalawa din kaming driver at dalawang hardinero. Ayaw na sana naming pumayag ni V pero wala naman kaming nagawa lalo na at gusto din ‘yon ng mga magulang ko.

“May niluto na po akong ulam, sir. Ipagtimpla ko na po ba kayo ng kape?” tanong ni Ate Rosa sa akin.

Ngumiti ako at umiling.

“Mamaya na po. Tulog pa naman si V. Gising na po ba si Alec?” tanong ko sa kanila at luminga-linga pa.

“Opo, nasa nursery.” nakangiti niyang sagot.

“Sige po, salamat.” At bumalik na ako pataas para makapunta sa kwarto ng anak ko.

Nakaawang naman ang pinto kaya agad akong pumasok. Nakita kong pinapatahan ito ni Ate Grace, kinuha naming yaya niya.

“Bakit umiiyak ang anak ko?” sabi ko at agad lumapit sa kanila.

“Hindi ko po alam kung bakit umiiyak, sir. Kanina naman po naglalaro.” Sabi ni Ate Grace at inabot sa akin ang anak kong pumapalahaw pa rin sa iyak.

“Why is my baby crying, ha? Sinong umaway sa’yo?” tanong ko at sinayaw-sayaw pa siya.

Mayamaya ay tumahan na at tumingin sa akin.

“Dadadada..” sabi niya na ikinangiti ko.

“Baka hinahanap lang po kayo, sir.”

Tumawa ako at hinalik-halikan pa ang anak ko.

“Oo nga eh.”

“Maiwan ko na po muna kayo. Tutulong na lang po muna ako sa baba.”

“Sige.” At lumabas na si Ate Grace.

“Hinahanap lang pala si Dada.” Laro ko sa anak kong hinahaplos na ang mukha ko.

Hindi ko mapigilang hindi siya panggigilan. Ang ganda-ganda kasi ng mata niya, nakuha yata kay V pati na rin ang kilay. Tapos ang ilong yata at labi niya kay V din pero sabi naman nila Mommy, sa akin daw namana. Maputi siya at mana sa akin ang kulay pero ang pinakagusto ko sa kanya ay ang kulot na kulot at makapal niya na buhok. Parang halos sa nanay niya nagmana ‘tong anak ko ah.

“Nag breakfast ka na ba?”

Napalingon ako nang biglang nagsalita si Vivoree. Naglalakad siya papalapit sa akin at mukhang kakagising pa talaga dahil kinukusot pa ang mata at medyo magulo pa ang buhok.

I smiled. My beautiful wife.

“Good morning, misis.” Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi nang nakalapit siya sa akin.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon