#HoldMeClose49
AKALA ko ay magiging maayos ang mga susunod na araw kaya lang ay nagtaka ako nang ilang araw na akong nagtetext kay CK pero wala man lang akong natatanggap na reply mula sa kanya. Ang huling text niya sa akin ay mag-aapat na araw na ang lumipas at nagyayaya siya ng date, hindi ko pa nareplyan.
Pangalawang araw ko na sa opisina ni Kuya at lagi akong nagtatanong sa lobby sa baba kung dumating ba si CK pero hindi daw. Ano na namang nangyayari sa lalaking 'yon?
Kaya naman ngayong araw, nagdesisyon akong puntahan siya sa building ng mga Marquez. Tutal ay may mga bagay din akong ikokonsulta sa kanya katulad ng ilang projects at budgetting na naghihintay ng mga pirma. Ang bilin sa akin ni Kuya Elias bago sila lumipad papuntang Europe ni ate Bianca ay magtanong daw ako kay CK tungkol sa mga bagay na nangangailangan ng pirma ko.
Nagpaalam ako sa secretary na early out ako dahil pupunta pa ako sa Marquez Corporation. Nagpresenta pa siyang samahan ako kaya lang ay tinanggihan ko na at isinama na lang ang driver na nakatoka sa akin ngayon. Ginamit ko ang kotse nila Papa at nagpadrive na sa kompanya.
May kalayuan ang kompanya nila kaya naman nagpadaan ako sa isang drive thru para umorder ng lunch at meryenda. Hindi pa kasi ako nakakapagtanghalian kahit pasado alas tres na. Gamit ang iPad ng kompanya ay nagbasa pa din ako ng mga emails habang nabyahe. Kaya hindi ko namalayan na nasa building na pala ako ng mga Marquez.
Honestly ay kinakabahan ako dahil simula nang dumating ako dito sa Pilipinas ay hindi pa kami nagkikita ulit ng mga magulang niya. Hindi ko alam kung nandito ba sila o si CK lang ang nandito kaya naman nagtanong ako sa receptionist nila.
"Welcome to Marquez Corp. Ma'am! How may I help you?" nakangiting bati sa'kin ng receptionist kaya ngumiti din ako pabalik.
"Hi, is Charles Marquez here?"
"Yes, ma'am. Do you perhaps have an appointment with him?"
I bit my lower lip. Nag-isip ako ng dahilan kasi wala akong appointment, oo nga pala.
"I don't have an appointment with him but I'm from the Andrada Inc. I just have some documents to consult with him."
"Oh you're from the Andrada Inc. Just go ahead ma'am, no need for appointment." sabi niya at nagtawag ng staff para i-assist ako paakyat sa opisina. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pa ng mag-aassist sa akin paakyat ay hinayaan ko na lang. Ang babaeng staff na sumama sa akin ay inihatid ako hanggang sa tamang palapag.
"Nandito ba sila Tito Kristoffer?" I asked the staff. Habang naglalakad kami papalapit sa opisina ay kita ko ang mga ulo ng mga empleyado nila doon. Hindi ko na lang pinansin.
"Wala po Ma'am. Out of the country po sila two days ago lang po." she politely answered.
Tumango-tango ako. So CK lang talaga ang nandito.
Inihatid niya lang ako sa pinakadulo pinto at ipinagbukas ng pinto. Nang pumasok ako ay nakita ko si CK na seryosong-seryoso na nakatingin sa laptop niya.
"Hi." bati ko.
Kunot na kunot ang noo niya ng inangat niya ang paningin niya sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero agad din na nawala at bumalik sa pagkakakunot ang noo niya.
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya. Ngayon ay ibinalik na niya ang paningin niya sa ginagawa.
May problema ba siya?
"Hindi ka kasi nagrereply kaya binisita na kita dito." simpleng sabi ko at ibinaba ang mga pinamiling pagkain sa lamesa niya.
"Busy ako. I do'nt check my phone these days." malamig na sabi niya kaya napatigil ako.
BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfiction[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...
