Chapter 50

727 25 7
                                    

This is the last chapter of this story, the Epilogue will be next after this. Thank you for all the love and support that you've given this simple story and for giving me the privilege to narrate and share it to all of you. My heart will forever be grateful.

For Vivoree and CK.

#HoldMeCloseFinal

ILANG ARAW kong sinubukan na tawagan si  Gela at Kat pero walang sumasagot. Sinubukan ko silang puntahan sa condo nila pero hindi agad nagpapapasok ang building na 'yon lalo na at walang permission mula sa isa sa mga nakatira roon. Kaya naman imbes na ubusin ko ang oras ko sa paghihintay ng pagsagot nila sa tawag at messages ko, ipinagpatuloy ko ang trabaho ko.

Araw-araw ay naroroon si CK at tinutulungan ako. Halos buong araw siya lagi sa opisina ko kaya madalas ay sabay talaga kami kumakain. Ang gusto pa niya, sa cafeteria ng mismong building kami kumain kaya madalas ay nakikita kami ng ibang empleyado. Alam kong may ideya na sila sa kung anong meron kami pero dahil malaki ang respeto nila sa amin, hinahayaan lang nila kami at madalas ay binabati lang.

Ako ang nahihiya sa ginagawa naming dalawa, kahit wala naman kami talagang ginagawang masama dahil nagtatrabaho lang naman kami, kaya nang mag-lunch time na naman para sa araw na 'yon, nagbusy-busyhan ako na marami pang kailangan na tapusin.

"Mauna ka na muna. Tatapusin ko na lang 'to." simpleng sabi ko sa kanya at muling sinimulang basahin ang isang document na nabasa ko na noong isang linggo pa. Para lang makaiwas ako sa mga mata ng mga empleyado dito.

"Hindi mo naman kailangang tapusin 'yan ngayon. Halika na. Kumain muna tayo." lumapit na siya ngayon sa lamesa ko. Nasa may lamesa kasi ako habang siya naman ay nasa may couch na mahaba na halos katapat lang din ng lamesa ko.

"Mauna ka na. Hindi pa naman pati ako gutom." sabi ko sa kanya na hindi man lang siya nililingon. Ramdam ko kasi ang tingin niya sa akin. Baka mamaya paglingon ko, bigla na naman akong halikan nito sa pisngi.

Simula kasi nang naging kami ulit--wala na akong nagawa kasi isang gabi na nagdidinner kami ni Papa at Tita Angeline, basta siya dumating at ipinakilala ang sarili niya kay Papa bilang boyfriend ko kaya no choice na talaga ako at tinanggap ko na lang--lagi na siyang nakahawak sa akin, nakayakap, nakahalik sa pisngi or sa ulo ko. For short, mas dumoble ang pagiging clingy niya kumpara noon. Kulang na lang ay halikan niya ako sa labi sa harap ng maraming tao. Mabuti na lang ay kinukurot ko agad siya kaya lumalayo siya sa'kin. Minsan ko na din kasi siyang kinurot at nag sugat 'yon. Natakot yata sa haba ng kuko ko.

"Tara na kasi. Kakain lang naman eh." pangungulit niya at mahinang kinurot-kurot ang pisngiko kaya hinawi ko ang kamay niya.

"Dalhan mo na lang ako dito ng pagkain. O kaya magpahatid ka na lang dito ng pagkain tapos dito na tayo kumain."

Bumuntong hininga siya. "Sige na nga. Bibili na lang ako ng pagkain natin sa labas. Anong gusto mo?" tanong niya habang naglalakad na siya palabas.

"Ikaw gusto ko." biro ko sa kanya. Kita ko ang pagkakatigil niya at ang pagpipigil niya ng kilig niya kaya naman pulang-pula ang tenga niya.

Tinawanan ko ang itsura niya. "Kilig ka na niyan?"

Umiling-iling lang siya. "Wala kang pasabi."

Natawa ako ulit. "Ikaw na bahala. Basta yung mabubusog ako." sabi ko sa kanya at nag-flying kiss pa.

Kahit naman sapilitan na naging kami ngayon, hindi ko naman kaya na itago sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Sabi nga niya, magpapakipot pa ba ako? Halos lahat naman yata ng taong nakapaligid sa amin, halata na may nararamdaman pa rin naman talaga ako sa kanya.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon