Chapter 41

459 17 7
                                    

#HoldMeClose41

ON the day of the wedding, bumyahe kami ni Kuya Matthew at Jerremiah papunta sa beach na pagkakasalan ni Kuya at Bianca. They will get married during sunset, kaya naman mahaba pa ang oras para sa preparasyon namin. Magkakaroon pa din kasi ng photoshoot ang mga bride's maid pati na din ang groomsmen, sa magkaibang parte nga lang ng beach dahil hindi pa pwedeng magkita ang bride at groom bago ang kasal.

Sa dalawang linggo ko dito sa Pilipinas, mamaya pa lang kami magkikita ni Gela dahil puno ang schedule niya. Isa siya sa mga bride's maid din ni Bianca kasama ang ilan sa mga pinsan ni Bianca at mga malalapit na kaibigan nito. May designated rooms na naman kami na pag-aayusan sa amin kaya doon ako didiretso pagkababa ko ng gamit sa room namin. Daladala ni  Kuya Matthew ang box na pinaglalagyan ng damit ko habang ang tux naman nila ay dala ni Jerremiah.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa lobby ng beach resort para makapag-check in. Medyo may karamihan ang guest na inimbitahan ni Kuya at kadalasan ay galing sa business o kaya ay sa modelling. Paalis pa lang ng Batangas si Felix kaya mga 2 or 3 hours pa siya bago makarating dito. Makakasama niya sa room si Kuya Matthew at Jerremiah habang ako ay hindi ko pa alam kung sino ang makakasama ko sa kwarto. Hindi ko alam kung pupunta ba si ate Happy at si Logan dahil ang alam ko ay out of town ang dalawa. Namimiss ko na si ate dahil hindi na siya masyadong nagpapakita sa'kin dahil may boyfriend na siya.

Habang naghihintay ako sa lobby kasama si Jerremiah na nakatutok na naman sa cellphone niya dahil nagchecheck in pa si Kuya, nakita namin ang pagdating ni ate Happy at ni Logan, kasunod si Geraldine na may kasamang babae na halos hindi ko makita ang mukha dahil nakasaklob ito, face mask at nakasalamin ng itim. Para bang ayaw nitong ipaalam kung sino ito dahil sa itsura nito.

Nanlaki ang mata ko nang namukhaan kong si Katherine 'yon. Kahit nakasalamin ito, nakafacemask, at nakasaklob, alam kong si Katherine 'yon. Sa tangkad pa lang at tindig, kahit na balutin niya ang sarili niya ay kilala ko ang kapatid ko. Kaya agad-agad akong lumapit sa kanila. Nakita kong napalingon sa akin si Geraldine kaya agad akong ngumiti ng malawak sa kanya at kumaway.

"Ate!" lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Napalingon sa amin si ate Happy na nakahawak kay Logan. Napatingin ako kay Katherine na alam kong nakamasid lang sa amin.

"Ate, ang ganda mo! Oh my gosh, I missed you." tinitigan niya ako at hinawakan ang buhok ko.

"Namiss din kita. Kamusta ang kapatid kong sikat na sikat na?" nagawa ko pa siyang biruin bago saglit na dumapo muli ang paningin ko sa kapatid kong wala man lang yatang balak lumapit sa akin.

"I'm okay, kasama ko nga pala si..." hindi niya itinuloy ang sinasabi at nilingon lang si Katherine.

Dahan-dahan ang paglalakad niya papalapit sa amin. Hindi man lang niya tinanggal ang kanyang salamin pero hindi ko na inintindi 'yon at niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya.

"I missed you, Kat." bulong ko sa kanya.  Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko naramdaman ang panginginig ng katawan niya bago ang kanyang pagsinghot. Napangiti ako dahil alam kong umiiyak na siya at ngayon ay niyayakap na ako ng mahigpit.

"I'm sorry, ate. I'm sorry. I'm really really sorry." Paulit-ulit na sinasabi niya habang hinahaplos ko ang likod niya at natatawa ako. Ang nakamasid lang sa amin na si Geraldine ay nakangiti lang din sa gilid.

"Ang drama naman dito. MMK ba 'to?" sabi ng epal na babae na nagngangalang Maria Ligaya.

Inirapan ko siya bago ko inilayo ang mukha ni Katherine sa akin at tinanggal ang salamin nito para mapunasan ang mukha nitong puno ng luha.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon