Chapter 37

515 20 9
                                    

#HoldMeClose37

KUYA Elias and Bianca will be married by the end of June, and that's according to Papa. I'll go home two weeks before the wedding, kasama si Felix at Tita Lauren. Ang sabi ni Kuya ay isama ko daw si Felix at Tita Lauren pero hindi makakapunta si Tita because of a prior commitment kaya Felix will be attending with me. Nang sinabi ko 'yon kay Kuya nang magkausap kami ay pumalakpak siya na para bang amaze na amaze siya.

"You're getting weirder and weirder, Kuya." sabi ko sa kanya nang magkausap kami dahil sinabi ko sa kanyang uuwi ako two weeks before his wedding. So basically, I'll be staying in the Philippines for almost a sem at dahil naghihintay na lang naman ako ng graduation.

Wala sana akong planong magtagal pero dahil may honeymoon pa din sila Kuya two weeks after his wedding ay kailangan ko munang i-handle ang negosyo nila ni Papa. Ang sabi niya sa'kin ay hindi naman daw ako mahihirapan dahil tutulungan naman daw ako ng friend niya so I said okay to him.

"At paano naman ako naging weird?" sabi niya habang malawak pa din ang ngiti. May something siyang pinindot ulit sa laptop niya bago siya komportableng sumandal sa upuan niya.

"Ang creepy ng ngiti mo. Parang may ginagawa kang kalokohan or what. Hindi ko matukoy ng maayos." sabi ko habang kunot na kunot ang noo.

"Hindi dahil may ginagawa akong kalokohan. Lagi lang nasasaktuhan ng isang tao dito na magkausap tayo tapos mamaya mababadtrip na naman siya."

Nakita kong may lumipad na ginasumot na papel at tumama sa dibdib ni Kuya. Tawa naman ng tawa si Kuya.

"May kasama ka ba diyan sa office mo?" I asked worriedly. Baka mamaya may kameeting pala siya. Hindi naman kasi siya nagsasabi kung may meeting siya o wala, basta na lang niya sinasagot ang tawag ko kahit nasa gitna siya ng pagpirma ng mga papers.

"Meron. Gusto mo bang malaman kung sino?" sabi niya at humalakhak. Ilang sandali pa ay naputol ang tawag. Nagtaka ako. Tiningnan ko ang internet ko, okay naman.

"Nawalan ba siya ng internet?" I asked myself. Sinubukan kong tumawag ulit. Nakadalawang tawag pa ako bago sinagot ni Kuya ang tawag. Halakhak ang isinalubong niya sa'kin. Mukha ring nagulo ang suot niyang long sleeves na puti.

"Anong nangyari sa'yo, Kuya? Nawalan ka ba ng internet?"

Tumango siya habang tumatawa. May sayad na yata 'to si Kuya eh.

"Should I call some other time? Kasi mukhang hindi ka okay." sabi ko at ngumiwi.

"No, I'm fine. So what are we talking about again?" sabi niya at inayos ang sarili. Pinilit na niyang magseryoso pero tumatakas pa din ang ngiti niya sa labi. Bahala ka nga diyan, Kuya.

"You asked me kung gusto ko bang malaman kung sinong kasama mo diyan ngayon." 

Tumawa na naman siya bago niya ako tinaasan ng kilay habang nakangiti ng nakakaloko. Ano bang meron sa kanya ngayon?

"Ah, 'yon ba? Walang kwenta yung kasama ko dito. Wag mo na alamin." sabi niya at ngumisi.

Inirapan ko siya. "Bahala ka nga diyan. Anyway, itatanong ko din sana kung saan ba gaganapin ang kasal niyo ni Bianca. Para makapagpagawa na ako ng damit na susuotin ko."

He snorted. "Di ba ang sabi ko sa'yo, umuwi ka isang buwan bago ang kasal? Kasi para masukatan ka sa pagpapagawan ng gown ni Bianca."

"At sinabi ko na rin po sa'yo na para hindi hassle, isesend ko na lang ang sukat ko or dito na lang ako magpapagawa."

Kumunot ang noo niya. "Pa'no kung hindi magkasya sa'yo 'yon sa mismong araw ng kasal namin? Edi poproblemahin pa kita?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Sure ka ba na tataba ako agad bago ka ikasal? Grabe ka kuya!"

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon