Chapter 5

523 21 4
                                    

#HoldMeClose05

EIGHT pa lang ng umaga ay magulong-magulo na sa kwarto namin ni ate Happy. Anton na antok pa ako at ayoko pang bumangon, gusto ko pang bumalik sa pagtulog.

Inabot kami ng madaling araw dahil sa pakikipagkwentuhan kasama ang mga pinsan namin pagkatapos ngayon ay heto pa sila at parang mga hindi kulang sa tulog kung magtawanan at mag-ingay.

"We should wake up this baby." naririnig ko ang malagong na boses ni Kuya Chris bago ko naramdaman ang pagtanggal ng unan na nakatabing sa mukha ko.

"Gising na!" malakas na sabi ni Kuya Jacob at hinila ako patayo.

"Bakit ba ang aga niyo mambulabog?" naiinis na sabi ko at sinipa ang kung sinoman na nangingiliti sa paa ko.

"Sasakay tayong banana boat, 'di ba? Bihis na." sabi ni Kuya Jacob at tuluyan na akong nahila patayo sa kama.

Saka ko lang nakita kung sino ang mga tao sa loob ng kwarto namin. Pareparehas na mga nagkakape sina Brian, Harold, Justin kasama si Gela sa may bukas na pintong balcony ng aming kwarto. Kaya pala naririnig ko ang mahinang tunog ng dagat. Nagtatawanan ang mga ito sa kung ano at malalakas ang boses nila habang nagkukwentuhan.

Ang apat na malalaking lalaki naman na sila Kuya Jacob, Kuya Nico, Kuya Chris at Kuya Arthur ay nasa may kwarto namin at ginugulo ang vanity area ni ate Happy.

"Si ate?" tanong ko habang inaayos ang pinaghigaan ko. Dalawang single bed lang ang nasa loob ng kwarto namin, at isang malaking couch na nakaharap sa aming higaan. Sa kaliwa nito ay ang balcony, kung nasaan sila Gela, sa kanan nito ay ang maliit na kusina na may mini-fridge at maliit din na lababo.

Malapit naman sa pintuan ang lamesa na ginawang vanity area ni ate happy at ang closet ay malapit sa pintuan ng banyo.

"Nasa banyo." sagot ni Kuya Art na galing pa sa tawa. Pinagdidiskitahan nila ngayon ang mamahaling liptint ni ate.

"Lagot kayo kay ate." sabi ko at nilapitan sila. Si Kuya Chris ang nakaupo sa harap ng lamesa at ang tatlo ay nakapalibot dito. Puting-puti ang mukha ni Kuya Chris dahil sa BB cream at ngayon ay nilalagyan siya ni Kuya Jacob ng liptint.

Natawa tuloy ako ng malakas dahil sa ginagawa nila saktong paglabas ni ate Happy galing sa banyo.

"Hoy!" sigaw ni ate at nagmamadaling pumunta sa amin. Nagtawanan kami dahil galit na galit si ate.

"Kakabili ko pa lang nito!" sabi ni ate at pinaghahampas sila Kuya Jacob.

"I don't get why you have to put this sticky thing on your face." sabi ni Kuya Arthur at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nakakatakot ang itsura nito.

"Ganyan ba kadami nilalagay ko ha?!" galit na galit na sabi ni ate at sinabunutan ang kung sinoman na mahablot niya sa apat. Tumungtong ako sa higaan ni ate at pinanood siyang hinahabol sila kuya.

Dahil sa gulo namin ay napapasok tuloy sila Gela sa loob at nakitawa kasama ko dahil sa nakita nilang itsura ni Kuya Chris.

Doon ko lang napansin na lahat pala sila ay handa na para sa water activities. Ang mga lalaki ay either nakaboard shorts at sando, ang iba sa kanila ay topless. Si Gela at ate naman ay mga naka rashguard at maiksing shorts. Kaya gano'n din ang sinuot ko sa loob ng banyo.

Tinatali ko ang anklet na binigay sa akin ni Papa noong nag-18 ako, habang nakikipagtawanan sa hindi matapos-tapos na argumento nila Kuya at ate Happy.

Ilang minutong naghabulan lang sila sa loob habang tawa lang kami ng tawa. Nakalabas na kami at lahat sa kwarto namin, nag-aaway pa rin sila. Sa sobrang inis ni ate, ayaw na niya sumama sa banana boat.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon