Chapter 26

419 12 1
                                    

#HoldMeClose26

I wasn't my usual self after my call with Katherine. Kinakabahan ako sa posible naming pwedeng pag-usapan kasi ever since I met her, she never called me first just to have a chitchat with her. Kahit kambal sila ni Geraldine ay magkaiba pa din sila ng ugali. Kung sakali ngang makikipag-kwentuhan lang sa akin ngayon ang kapatid ko, that will be a first. I just really hope na kakamustahin niya lang talaga ako.

Bago ako bumalik sa lamesa namin ni CK ay inayos ko ang mukha ko at sinubukang ngumiti. Nang tingin ko ay okay na ako, agad akong bumalik sa lamesa niya at ininom ang kape ko.

"Sinong tumawag?"

Alam ko na agad na itatanong niya 'yon at nakapag-handa na ako kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Si ate lang. Pinapauwi niya ako ng maaga kasi nagpapatulong siya mag-organize nung paper na naman niya." habang sinasabi ko 'yon ay nakayuko lang ako sa kape ko. Hindi ko kayang tumingin sa kanya kasi baka masabi ko ang totoo. Harmless naman ang pag-uusapan namin ni Kat mamaya kaya hindi na niya kailangang malaman pa na magkikita kami mamaya.

"Ahh. Kailangan niyo ba ng tulong?"

I shook my head. "Hindi na. Kaya na namin 'yon." sabi ko at sinubukang ngumiti sa kanya.

Nakita ko ang pagtango niya at parang naniwala naman siya kaya iniba ko na ang usapan. Tumagal kami ng tatlong oras sa lugar na 'yon at ang byahe namin pauwi ay puno ng asaran at tawanan. Minsan ay naiinis din siya kapag nag-aasaran kami pero madalas, ako yung napipikon.

Nakalimutan kong may usapan nga pala kami ni Katherine na magkikita sa katabing coffee shop ng condo namin at nang maalala ko ay mag-a-alas sais na ng gabi.

Bago ako bumaba sa kotse, nag-usap kami ni CK na itetext namin ang isa't-isa. Hindi ko masabi kung sobrang clingy lang ba talaga niya or ganito talaga siya sa isang relationship. Kasi ang sabi niya sakin, gusto daw niya, open kami sa isa't-isa para hindi kami magkaroon ng misunderstanding. I was so amazed by how mature he is. Na may mga plano na agad siya para sa aming dalawa. I fell in love with him a little more because of that.

Napapangiti ako kapag naaalala ko ang mga pinag-uusapan namin pero nang nakita kong pumasok ang kapatid ko sa coffee shop, sumibol bigla ang kaba sa akin. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha niya. Katulad ng dati ay may kasama itong mga gwardiya kapag ganitong oras na, nagbabantay sa labas ng coffee shop. Nakaupo na siya ng pumasok ang isang babae siguro'y personal assistant niya. Nakita ko kasing dala-dala nito ang bag niya. Bago na naman siguro ito dahil hindi ko kilala. Base sa itsura nito ay hindi nalalayo ang edad nito sa amin.

Tumayo ako at nakipag-beso sa kanya bago ako bumalik sa pag-upo.

"Do you want any coffee?" tanong ko sa kanya at bahagyang tiningnan si Ate Kikay na halatang hindi masaya sa presensiya ng kapatid ko. Mabuti na lang ay kaming dalawa lang ng kapatid ko ang customer nila ngayong oras na 'to.

"I saw a strawberry shake on their menu." simpleng sagot nito, hindi ngumingiti.

Nakuha ko ang ibig niyang sabihin at tatayo na sana kaya lang ay sinenyasan niya ang PA niya kaya lumapit ito sa amin.

"Maddy, order for us." utos niya dito nang nakalapit na sa amin. Tinanong niya ako kung anong gusto ko matapos niyang sabihin dito ang order niya ngang strawberry shake.

"Anong card po ang gagamitin, Miss Katherine?" mahinang tanong nito.

"Ako na." sabi ko at kukuha na sana ng pera kaya lang ay umiling siya sa akin at tumingin sa PA niya.

"The blue one." sabi niya at sinenyasan niya ulit itong umalis na.

Pinagmasdan ko ang babae nang umoorder na ito.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon