Chapter 27

404 13 4
                                    

#HoldMeClose27

TAHIMIK akong umuwi sa condo. Mabuti na lang at wala si ate dahil kung nando'n siya, sigurado akong tatanungin niya ako kung bakit namumugto ang mga mata ko. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay nilock ko ang pinto, bago ako naglakad papunta sa higaan at pabagsak na humiga.

Hanggang ngayon ay nag-rereplay sa utak ko ang nangyari kanina. Ilag oras bago ako tuluyang tumahan. Humingi ako ng sorry kay Ate Kikay pero umiling lang siya at sinabing okay lang. Mabuti na lang daw at nando'n siya. Hindi siya nagtanong kung bakit at anong nangyari. Basta nando'n lang siya at sinamahan ako hanggang sa tumahan ako.

Kanina, habang nakasakay ako sa elevator paakyat dito sa unit namin, nag-text ako kay Katherine.

Ako:

Kat, I'm really sorry for what I have said. I hope you forgive me.

Hindi ako umasa ng reply galing sa kanya pero mas mabuti nang nag-sorry agad ako. Ako ang matanda, ako dapat ang umiintindi sa sitwasyon niya. She's just blinded by her extreme emotions. As an ate, I should be understanding.

Hindi ako nag-abalang magbukas ng ilaw sa kwarto ko. Hindi ko din alam kung anong oras na, at hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Nakatulala lang ako sa kawalan habang unti-unting nagaadjust ang paningin ko sa dilim. I shouldn't have said those things to my sister.

Nawala lang ang iniisip ko nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko 'yon at napabangon dahil tadtad na pala ang ng mga text at missed calls galing kay CK. Kakamiss call niya lang ulit.

13 messages and 9 missed calls. Napairap ako dahil sa kakulitan niya. Nang mag-ring na naman ito ay sinagot ko agad.

"May ibang lalaki ka 'no?"

Agad-agad ay 'yon ang sinabi niya. Napangiti ako dahil do'n. Kanina, sobrang malungkot ako pero isang tawag niya lang, okay na ang lahat. Mahal na mahal ko na talaga siya.

"Ibang lalaki agad? Hindi ba pwedeng may ginawa lang ako saglit?" sinubukan kong tapangan ang boses ko para hindi niya mahalata na umiyak ako. I don't want him to worry about me because I'm fine.

Humalakhak siya sa kabilang linya. Napangiti din ako dahil do'n. Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba nasasaktan pa rin ako sa naging takbo ng pagkikita namin ni Katherine o dahil sa halip na may malaki akong problema, nagagawa ko pa ding ngumiti dahil may CK ako.

Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya bago siya nagtanong ulit. And my heart hurt even more because of it.

"Alam kong napag-usapan na natin 'to pero ipapaalala ko lang ulit sa'yo. Kapag may problema ka, or kahit anong iniisip mo, pwede mong sabihin sa'kin ha? Makikinig ako."

Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Pinigil kong humikbi kasi ayokong marinig niya. Ayokong mag-alala siya kasi hindi na kailangan. Kinalma ko ang sarili ko dahil kailangan ko pang sumagot dahil nagtanong na naman siya.

"Anong ginagawa mo na ngayon?"

Pinilit kong ayusin ang boses ko. "Wala. Nakahiga na lang ako ngayon, kausap ka." pinunasan ko na din ang luha ko pero parang gripo, ayaw tumigil. Hindi nauubos. Ang arte ko naman masyado. 

"Matutulog ka na ba?"

"Aga pa." natawa pa ako.

"Maaga pa pala sa'yo ang 10?"

"Ten na ba?" inilayo ko pa ang cellphone mula sa tenga ko para tingnan ang oras at kumpirmahin na, oo nga, alas diyes na agad. Ilang oras na ba akong nakatunganga? Akala ko five minutes pa lang. Dumating na kaya si Ate Happy?

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon