Chapter 20

486 14 0
                                    

#HoldMeClose20

"I like you so much, Vivoree. Ngayon, gusto mo din ba ako? Kasi ako gustong-gusto talaga kita."

Pakiramdam ko ay lumulutang ako ngayon kahit ang totoo ay nakatayo lang naman ako sa harap ng taong kakaamin ko lang sa sarili ko na gustong-gusto ko na. Tapos ngayon ay gustong-gusto din pala niya ako. Ang bilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis, natatakot akong baka mabilis lang din matapos.

Nakatitig lang kami sa mata ng isa't-isa. Para bang hinahanap niya sa mata ko ang sagot sa tanong niya. Pero tama bang sumagot ako agad ng 'oo, gusto din kita' kahit hindi pa naman talaga ako sigurado sa nararamdaman ko? Kasi bago pa lang 'to! Sasagot ba agad ako ng 'oo'?

Inalala ko yung panahon na umamin ako ng nararamdaman ko kay Marco. I admit, nagpadalus-dalos ako sa pagdedesisyon. And look what happened to us. Ayokong mangyari 'yon samin ni CK kaya gusto kong siguraduhin yung nararamdaman ko this time. Kasi baka nadadala lang ako ng mga pangyayari, or kasi naooverwhelm lang ako sa presensya niya kasi siya yung nandiyan palagi kapag may kailangan ako.

Okay lang naman na maging maingat di ba? Lalo na kung gusto mong may ingatan para tumagal.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagtalo sa loob ng isipan ko nang narinig ko ang mahinang tawa ni CK. Hinawakan niya ang braso ko at medyo hinila palapit sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang sumagot agad. Kaya kong hintayin ang sagot mo. Pero sana medyo bilisan mo ha? Kasi mainipin ako." sabi niya at kumindat pa.

"Kaya mong hintayin ang sagot ko pero bilisan ko? Ano 'yon? Trip mo ba ko?" sabi ko at inirapan siya bago ko siya tinulak ng mahina.

Natawa siya dahil sa itsura ko at kinurot ang pisngi ko. "Ang sungit talaga nito, pero mas lalo lang akong nahuhulog sa'yo."

Itinulak ko ang mukha niya kaya napaatras siya lalo habang tumatawa.

"Ang landi mo na, tama na 'to. Papasok na ko sa klase ko." at nagsimula na akong maglakad, sumunod naman siya sa akin.

"Okay. Ihahatid na kita." sabi niya habang nakangiti.

Hindi na ako umangal pa. Napansin ko din na hindi na bumalik si Ate Happy tsaka si Anj. Saan kaya sila nagpunta?

Hindi kami nag-uusap habang naglalakad papunta sa classroom ko. Isang bagay na awkward 'yon dahil marami kami laging pinagkukwentuhang dalawa. It's either nag-aasaran kami or nagkukwentuhan about random things. Pero ngayon? Wala. Hindi kami nag-uusap talaga. Para bang nagko-concentrate lang kami sa paglalakad.

Maybe he also noticed that we are silent that I heard him clearing his throat before I heard him asking me.

"Anong oras matatapos klase mo ngayon?"

Hindi ko pa saulo ang schedule ko kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at hinanap ang sched. Narinig ko siyang mahinang tumatawa. Napatingin tuloy ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

Tumawa muna siya bago sumagot. "Natataranta ka kasi. Nagtatanong lang naman ako kung anong oras klase mo."

Hindi ako sumagot. Natataranta ba talaga ako? Parang hindi naman?

"Bakit mo ba tinatanong kung anong oras matatapos klase ko?" I asked. Bakit ba kasi niya kailangang malaman kung anong oras ako matatapos? Ano naman ngayon kung malaman pati niya?

"Syempre. Gusto kong sabay tayong umuwi tapos ihahatid kita." he smiled.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kahit ang simple lang naman ng sinabi niya kaya medyo lumayo ako sa kanya para di niya makitang namumula ako. Kaso nakita na yata niya kasi hinawakan niya ang braso ko at nilapit ako lalo sa kanya.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon