Chapter 22

421 13 0
                                    

#HoldMeClose22

HINDI ko alam kung may alam ba si Katherine sa nangyayari sa'min ngayon ni CK pero isa lang ang alam ko. Hindi niya alam na nanliligaw na sa akin si CK.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang sitwasyon ngayon. I don't want to hurt my sister. Pero ayoko din naman na ganito.  I'm so torn.

Nagulat kaming dalawa nang tumunog ang cellphone niya. Nagpaalam siyang sasagutin niya muna 'yon. Nagdesisyon akong mag-compose na ng text kay CK na mauuna na dahil napansin kong five minutes na lang naman ay matatapos na ang klase niya. I guess next time na lang ang dinner with ate sa condo? Marami pa namang next time.

Pero hindi pa ako tapos mag-type ay bumalik na si Katherine na nakasimangot.

I asked her worriedly. Sinon bang tumawag sa kanya? "Bakit? Anong nangyari?"

Umirap siya sa kawalan at inayos ang shoulder bag niya. "Dad's driver is somewhere here already to fetch me. May dinner daw kami with his friends." sabi nito at halatang naiinis na. I sighed in relief. Akala ko kung ano na.

"Ah ganun ba." Tumayo na din tuloy ako. Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa mga message. Nararamdaman kong si CK na ang nagtetext at siguradong hinahanap na niya ako.

"I'll be going ate." sabi niya at mabilis na niyakap ako. Hindi ko na siya nagawang yakapin pa pabalik dahil naglakad na agad siya paalis.

"Okay. Mag-ingat ka." sabi ko pero hindi na niya ako nilingon pa.

Umupo ulit ako sa bench at kinuha ang cellphone ko na vibrate ng vibrate dahil sa text. Tama nga ako. Si CK nga ang text ng text.

CK:

Awas na ko. Saan ka?

babe, where are you?

hahaha joke lang sa babe baka mabadtrip ka

reply ka naman :((

BAKA KASAMA MO NA NAMAN SI CARLOS HA

joke lang ulit di ako galit pero reply ka na pls

papunta na ko sa parking alam ko naman na nanjan ka lang at hinihintay ako hehehe

Napairap ako dahil sa dami ng text niya. Tuluyan ko nang nakalimutan ang problema ko tungkol kay Katherine dahil mayamaya lang ay nakita ko nang tumatakbo si CK kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa bench.

"Tagal mo naman." sabi ko at sumimangot.

"Bilis ko kaya! Ikaw nga diyan hindi nagrereply eh." sabi niya at dumiretso na sa kotse niya at pinatunog ito. Katulad ng madalas ay pinagbuksan niya ako ng pinto at nang makasakay ako ay saka siya umikot at sumakay din.

"Diretso na ba agad tayo sa condo niyo?" tanong niya habang sinisimulang paandarin ang kotse paalis sa parking lot.

"Oo, tara na. Kanina pa nakauwi si ate kasi maaga daw sila pinaawas." sabi ko.

Habang nagdadrive siya ay nabanggit ko sa kanya si Katherine. Bigla ko ulit kasing naalala ang kapatid ko. Mamaya ay tatanungin ko si ate tungkol sa sitwasyon ko. Para sakin kasi ay mali na isipin ko ang sarili ko lalo na at alam kong masasaktan ko ang kapatid ko. Maybe I can forget my feelings now? Hindi pa naman siguro ganoon kalalim. I swallowed the bitter lump in my throat. Hindi malalim huh, Vivoree.

"I saw my sister earlier." panimula ko.

"Sino sa kambal?" sabi niya at hindi man lang nag-abalang lumingon dahil focused siya sa kalsada.

"Si Katherine." tiningnan ko siya kung magbabago ba ang ekspresyon ng mukha niya pero wala lang. Parang wala lang sa kanya na nabanggit ko si Katherine.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon