Chapter 15

431 14 0
                                    

#HoldMeClose15

HINDI ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Kuya Elias.

Hindi kami nagkaayos kagabi dahil una sa lahat, gusto niyang maniwala akong hindi totoo na may relasyon sila ni Bianca. Ang sabi niya ay fling niya lang daw ito, alam ko naman na gawa-gawa niya lang ito. Pangalawa, ang gusto niya ay tigilan ko na ang pakikipaglapit kay CK dahil hindi niya alam ang gagawin kung sakaling may mangyari daw na masama sa akin. At panghuli, pinagalitan niya ako dahil akala niya ay may namamagitan na sa aming dalawa ni CK.

He was concluding too much that I got pissed. Alam ko naman na ang puno't dulo ng lahat ng ito ay ang muntik nang pagkakalugi ng negosyo nila. I can never fully understand the world of business, honestly. Pinahahalagahan ko din naman iyon dahil gustong-gusto ni Papa ang pamamahala roon, ganoon na rin si Tita Angeline but sometimes, a mind of a person gets crooked when they go blind because of being passionate on something.

Mabait na kaibigan si CK. Alam ko agad 'yon dahil hindi niya ako pinabayaan nang nakita niyang umiiyak ako dahil sa problema. He was there while I was crying and I'm grateful for him. Totoo talaga siyang kaibigan.

Ang hindi ko maintindihan ay ang pamimilit nila Kuya sa akin na layuan ang ganoong klase ng lalaki. I mean he's good to be with so why avoid him? I don't get it really.

Kaya nang dumating ang araw na bibili kami ni ate ng mga gamit namin at itinext ko si Papa na pwede kaming magkita ng hapunan ay iba ang kutob ko. May kutob akong sinabi na ni Kuya ang nakita niya sa mall pero naghanda akong sabihin rin kay Papa ang nakita ko.

Ayoko sanang makipag-away ng matagal kay Kuya pero I don't get his logic this time.

"Ano bang magandang bilhin na bagong libro ngayon? Nangangalawang na ang utak ko!" reklamo ni ate habang nasa may National Book Store kami at namimili sa mga YA books na naroon.

"Hindi ko alam. Magiging busy ka na this sem, so I think, wala kang time magbasa para sa ganyan."

Ngumiwi siya sakin. "Alam mo yung time management? Magaling ako do'n." pagmamayabang niya.

Natawa ako. "Talaga ba? Last time kaya nagka-cram ka na sa mga papers mo kasi inuna mong tapusin yung isang series."

Hinampas niya lang ako sa braso kaya mas lalo akong natawa sa kanya.

So we ended up buying a book for the both of us. Nakapila na kami para magbayad sa counter nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag. Nang kinuha ko 'yon mula sa sling bag ko ay nakita ko ang pangalan ni CK. Dinungaw pa iyon ni ate kaya nakatanggap ako ng kurot sa may braso ko galing sa kanya. Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil doon.

"May something na ba sa inyo niyan? Napapadalas ang tawagan ah!" ang lakas ng boses niya kaya medyo napapatingin din sa amin ang ibang nandoon.

"Hinaan mo nga yung boses mo ate. Friends lang kami nito."

"Sus, denial queen." sabi niya kaya medyo lumayo ako sa pila para sagutin ang tawag kasi baka hindi niya ako tigilan sa pang-aasar.

"Hello?"

"Saan ka?" tanong niya sa kabilang linya. Naririnig kong medyo maingay sa kung nasaan siya pero sakto lang kasi naririnig ko naman ng ayos ang boses niya.

"Nasa mall. Bakit?"

"Saan specifically?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit ba?"

"Eto naman nagtatanong lang sumisimangot agad."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Paano mo nalaman na nakasimangot ako?"

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon