#HoldMeClose30
HINDI ko matandaan kung paano ako nakarating sa loob ng kotse ni CK. Basta ang alam ko ay ibinaon ko ang luhaan kong mukha sa dibdib niya at niyakap niya ako pabalik ng mahigpit. After having a row with my mom, it's the one thing that really makes me breathe. Na parang matapos ang isang mahabang panahon na sinasakal ako, nakahinga ako dahil sa kanya. Dahil nandoon siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong nakikita na mahina. Hindi ko na tuloy ngayon maisip na wala siya sa tabi ko kapag mga ganito kasi unti-unti, nasasanay na ako, na lagi siyang nandiyan kapag malungkot o nasasaktan ako. He became my rock.
Ngayon ay bumabyahe na kami pauwi sa condo. Hindi siya nagsasalita, basta ay nagmamaneho siya. Walang ibang naririnig sa pagitan naming dalawa kundi ang paghikbi ko lang. Hindi niya na ulit ako tinanong ng kung anong nangyari. Hindi ko rin napansin na nakabalot na pala sa akin ang isa niyang makapal na itim na jacket.
Hanggang sa nakarating kami sa basement parking at tumigil ang kotse, hindi pa rin siya nagsasalita. Tinanggal niya ang seatbelt niya bago niya tinanggal ang seatbelt ko. Mabuti na lang ay ginawa niya 'yon dahil hindi ko rin kayang kumilos. Para bang naubusan ako ng lakas.
Lumabas siya agad sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"Kaya mo bang maglakad?"
Mahina akong ngumiti dahil sa tanong niya. "Hindi naman ako pilay. Hindi naman nakakapilay ang sobrang pag-iyak." sinubukan kong magbiro pero hindi man lang siya ngumiti. Seryoso lang siya nang alalayan niya ako pababa ng kotse. Inakbayan niya ako at hinalikan sa gilid ng noo nang tuluyan na akong makababa.
Nangilid ang luha ko dahil sa simpleng ginawa niyang 'yon. Ito ba ang taong gusto ni Mama na hiwalayan ko? Yung mga simpleng bagay na ganito ang tunay na dahilan kung bakit ayaw ko siyang bitawan. Kung bakit worth it siyang ipaglaban. He's for keeps.
"Anong oras na?" tanong ko nang sakay na kami ng elevator papunta sa tamang palapag ng unit namin ni ate. He was kissing my head over and over again. Kita ko ang ginagawa niya mula sa malabong repleksyon ng pintuan ng elevator. Hinahalikan niya ang ulo ko na para bang mabubura no'n ang mga masasakit na binitawan na salita sa akin ni Mama. He's partly successful though. Nababawasan no'n ang sakit pero nandoon pa rin at tingin ko ay walang kahit anong makakapagbura no'n.
"Seven." mahinang sagot niya. Mayamaya ay nagbukas na din ang elevator at naglakad na kami papunta sa unit. Madilim pa at siguradong wala pa si ate kaya binuksan ko ang lahat ng ilaw at pagkatapos ay pabagsak akong humiga sa couch doon. Parang pagod na pagod ako dahil sa nangyari. Nakatayo lang si CK at pinagmamasdan ako. Nang tingnan ko siya ay naglakad siya papunta sa kusina. Tumayo ako at sinundan siya. Nakita ko siyang nagbubukas sa refrigerator.
"Anong ginagawa mo?"
Napalingon siya sa'kin at ibinalik ang tingin sa loob ng ref.
"Magluluto ng pagkain mo." sabi niya at may kinuhang kung ano sa ref. Nagsimula na siya sa kung ano man ang lulutuin niya.
"Marunong ka ba magluto?" natatawa kong tanong sa kanya, naglakad na ako pabalik ngayon sa sala at nagbuhay ng tv. Gusto ko sanang manood sa pagluluto niya kaso nararamdaman ko ang bigat ng mata ko dahil siguro sa sobrang pag-iyak ko kanina. Humiga ako sa couch at ikinumot ko na ngayon ang mabangong jacket ni CK.
Ang huling alala ko ay nanonood pa ako pero nagising ako nang dahil sa panaginip kong nahulog daw ako sa kama. Patay na ang tv na binuksan ko kanina at ngayon ay naririnig ko ang mahihinang boses galing sa kusina. Sigurado akong tatlo sila doon. Si CK, si ate Happy, at si...Gela?
"Hindi ko alam ang nangyari basta narinig ko na lang si mommy na sumisigaw at pinapaalis sa bahay si ate."
"Ikaw CK? Hindi mo ba alam ang nangyari?"
BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fiksi Penggemar[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...
