#HoldMeClose48
NANG bumalik si Felix sa lamesa ay parang walang nangyari. Parang wala kaming pinag-usapan na mabigat ni CK. Kaya lang ay nahalata naman ni Felix ang namumula naming mga mata. Naniwala naman siya sa binigay na alibi ni CK na malamig daw kasi dahil open air kami at medyo mahangin pa man din kaya ay medyo sinipon kami. Gusto ko sanang sabihin ang totoo kay Felix kaya lang ay mukhang dapat ay sa ibang pagkakataon na lang kaya hinayaan ko muna silang dalawa na magkwentuhan.
Pinagmamasdan ko silang dalawa habang nag-uusap. I felt so genuinely happy for them, na nagkakasundo sila at nagkakaintindihan. Pero gano'n talaga siguro ang mga lalaki, na kapag nakakilala sila ng bago nilang kaibigan, lalo at kapwa lalaki, nagiging kaibigan na din nila agad na akala mo matagal na silang magkakilala.
Gabi na nang nagdesisyon kaming dumaan sa mall para manood ng isang movie na pare-parehas namin gustong panoorin. Kaya naman alas diyes na ng gabi ay pauwi pa lang kami. Nag-text si Kuya sa akin kung nasaan na daw ako at ang sabi ko ay pauwi na. Unang inihatid ni CK si Felix kaya nang kaming dalawa na lang ay medyo tahimik. Nagpatugtog ako, katulad ng dati.
Napangiti ako dahil sa intro ng kanta. Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin si CK. Kahit pala kasi gabi na, may traffic pa din. Ano ba naman 'tong Pilipinas.
"Bakit nakangiti ka?"
"Naalala ko kasi 'tong kantang 'to. Madalas na pinapatugtog 'to doon sa paborito kong coffee shop."
"Oh tapos?"
Nilingon ko siya. Nakataas ang dalawa niyang kilay sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Tapos nag-promise ako sa sarili ko na kapag nakita ko na yung taong para sa'kin at tingin ko makakasama ko hanggang dulo, ipaparinig ko sa kanya 'to sa araw-araw na magkasama kami para ipaalala sa kanya na kontento na ako sa kanya at ayoko na ng iba." I told him while smiling.
Call it magic, call it true
I call it magic when I'm with you
And I just got broken, broken into two
Still I call it magic, when I'm next to you
Nilingon ko siya at nakita ko siyang seryoso na nakikinig sa kanta. Gusto ko sanang matawa sa itsura niya pero hinayaan ko siyang pakinggan yung lyrics. I remember the first time I heard this song. Nasabi ko agad sa sarili ko na, yeah, love is indeed like magic.
And I don't, and I don't, and I don't, and I don't
No I don't, it's true
I don't, no, I don't, no, I don't, no, I don't
Want anybody else but you
"Para sa'kin ba 'to?" malawak na malawak ang ngiti niya. Hindi na niya matagalan ang tingin sa akin ngayon dahil nagdadrive na siya at umusad na ang traffic. This time ay tuoy-tuloy na ang andar namin.
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. "Assuming ka rin talaga 'no? Bakit? Tayo na ba ulit?" tinaasan ko pa siya ng isang kilay.
Kumunot ang noo niya. "Eh 'di ba humingi ako sa'yo ng second chance tapos pumayag ka? Ibig sabihin tayo na ulit."
"Whoa, whoa sandali!" sabi ko habang natatawa. "Pinayagan kita for second chance, meaning, I'm giving you another chance to prove yourself to me, hindi maging tayo agad-agad. Hindi ako marupok 'no."
Tinawanan niya ako. "Daya naman nito. Akala ko naman girlfriend na ulit kita."
"Hindi gano'n kabilis ang lahat 'no." at ipinagkrus ko pa ang mga braso ko habang tinataasan siya ng kilay.
![](https://img.wattpad.com/cover/177664527-288-k562523.jpg)
BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfiction[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...