Special Chapter #3

276 12 5
                                    

Special Chapter 3

Isang araw bago ang kasal namin ni Vivoree, hindi kami pinayagang magkita. Nagkaroon din pati ng last minute adjustment ang gown na susuotin niya kaya naman kahit gusto ko siyang samahan, ang mga kuya na lang niya ang sumama sa kanya.

Ang usapan ay next year pa dapat kami ikakasal pero hindi ko alam kung anong nangyari at milagrong pumayag ang tatay ni V sa lahat.

Malapit ng matapos ang bahay na ipinatayo ko para sa amin at ang gusto ko sana doon na kami kaya habang hindi pa tapos ‘yon ay sa condo ko na lang muna kami titira.

Mabilis ang naging nangyari at bukas nga, ikakasal na kami.

Hindi ko maitago ang ngiti ko.

Finally. I am marrying her tomorrow.

Para sa araw na ‘to, ako naman ay abala sa kompanya dahil sa isang project na kinailangan na naman ng emergency meeting. Umaga pa lang ay inulan na ng tawag ang sekretarya ko kaya naman maaga din ako sa opisina. Hindi ko lang inaasahan na nandoon na rin agad si Feliz at may kape pa na dala.

Napapikit ako.

Kapag nalaman ‘to ni Vivoree, baka hindi ako siputin no’n bukas. Hindi pwedeng mangyari ‘yon.

“Feliz? What are you doing here?” kaswal na tanong ko.

Malawak niya akong nginitian at kinawayan nang papasok ako sa opisina.

Inaamin kong maganda si Feliz. Pero mas maganda si Vivoree.

“Hi! Good morning! I bought coffee for you.” Sabi niya at iniabot sa akin ang isa pang kape nang nakalapit ako sa kanya.

Nagbuntong hininga ako.

Alam ko naman na may nararamdaman sa akin si Feliz.  I’ve known it ever since she started attending executive meetings instead of her father.

Mabait siya at hindi katulad ng ibang mga babaeng nagkagusto sa akin. Kumpara sa kanila, si Feliz na yata ang pinakamahinhin at mukhang responsable.

But I need to tell her that I already have someone and I can’t afford to lose that someone.

Kaya lang bago ko pa masabi sa kanya ay may nauna na agad siyang sabihin sa akin.

“Charles, I’m leaving.” Pauna niya, gamit ang isang malungkot na boses.

Nagtaas ako ng dalawang kilay.

“Leaving?”

Tumango siya at may malungkot na ngiti sa labi.

“I have to finish some things abroad and apparently, I’m leaving this afternoon.”

Nagulat ako dahil sa bilis. Mamaya agad? Akala ko pa naman ay maiimbitihan ko siya sa kasal ko bukas.

I sighed. I guess, hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ganoon?

“Kailan ka babalik?” tanong ko at tinanggap na ang kape sa kamay niya at naglakad paikot para makaupo na.

“Three years or five years? It’ll take longer than usual.” Sabi niya at muling umupo sa may couch na hindi kalayuan sa may lamesa ko.

Tumango-tango ako.

“Don’t miss me while I’m gone ha? I’ll be back as soon as possible.” Sabi niya at kinindatan pa ako kaya sabay kaming natawa.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang sandali bago siya nagpaalam dahil kailangan pa daw niyang mag-ayos ng mga gamit niya.

Ako naman ay nagpatuloy sa maghapon hanggang sa kinailangan kong i-check ang mga last minute preparations. Wala na namang ibang naging problema sa araw na ‘yon at dahil sa pagod, maaga din ako nakatulog.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon