Chapter 17

418 11 2
                                    

#HoldMeClose17

FIRST day na first day for this semester ay late ako. Nine ng umaga ang klase ko at 8:50 na pero nandito pa din ako sa loob ng elevator.

Tanghali ako nagising dahil nanood pa ako ng The Hows of Us sa iwant kagabi. Ang dami kong iniyak to the point na akala mo may Primo ako sa buhay ko. Narealize kong mukha pala akong may sayad kagabi at ngayon, late na nga ako. I should have slept earlier pero worth it ang puyat sa kathniel.

Ni hindi ko nagawang magsuklay at kumain man lang ng breakfast na niluto ni ate Happy. Iniwan na din ako ni ate dahil kanina pa pala siyang 8 umalis at nag-iwan lang ng note na may kailangan pa siyang bilhin bago pumasok.

Halos patakbo na ako sa labas nang bigla akong napatigil nang makita ko si CK na nakatingin sa wristwatch niya. Nakashades at nakasandal sa kotse. Halatang may hinihintay.

Nang mag-angat siya ng tingin ay ngumiti siya at lumapit sa akin. Habang naglalakad siya papalapit sa akin ay para siyang isang lead character sa isang drama na nagso-slow motion sa paningin ko. My lips parted. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib kong mabilis ang pagkalabog.

Oh my gosh. Attracted na ba ako sa kanya? 

I slapped myself inside my head. God, what am I thinking? 

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko ng makabawi sa kahibangan ko. Bakit ko ba naiisip yung mga bagay na ganoon? Close lang kami. Friends lang kami. Masamang mag-assume, Vivoree!

"Good morning! Sabay na sana tayo pumasok?" he smiled.

Napalunok ako. He shaved! Kaya pala tingin ko ang linis-linis niya ngayon, nag-shave pala siya. I cleared my throat then answered him.

"Anong oras class mo? Kasi ako, 9 am pero male-late na ako kaya good thing na nandyan ka at willing na maghatid sa akin."

He chuckled. "10:30 pa yung sakin pero handa akong pumasok ng maaga para sa'yo."

I feel my ears burning because of what he said. Bakit ngayon ko lang napapansin na ang manly pala talaga ng mga ginagawa niya? Nababaliw na yata ako! God, crush ko na ba siya? Pero hindi pwede! Ang bilis naman!

Inirapan ko na lang siya para maitago ang kabaliwan ko sa loob-loob ko. Inaaway ko na ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko sa kanya. This guy's making me insane!

"Hindi mo ako madadaan sa mga linyahan mo." Weh? Talaga ba, Vivoree? My papampam self said. 

Tumawa siya. "Alam ko naman. Tara na." sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya.

Kahit gulong-gulo ako kung bakit siya nandito at dahil sa mga naiisip ko, pumasok pa din ako. Kung maririnig niya lang ang mga naiisip ko, aasarin niya ako, sigurado ako diyan.

Pagkasakay ko ay nag-seatbelt agad ako habang siya naman ay may inaabot sa likod ng kotse niya. Inabot niya sa akin ang isang supot at isang kape.

"Ano 'to?"

Kinuha ko ang inaabot niya at sinilip ang loob ng supot. Sinagot naman niya ako habang sinusubukan kong amuyin kung anong meron doon.

"Breakfast. Tapsilog yan para maiba naman."

Napatingin ako sa kanya na gulat na gulat.

"Bakit ganyan itsura mo?" sabi niya habang natatawa.

"Alam mo pala yung tapsilog? Tao ka pala?"

Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako sa itsura niya. "Joke lang. Thank you dito. Nag-abala ka pa."

He smirked. "Syempre. Para dagdag pogi points."

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon