#HoldMeClose12
TINANONG ako ni Tita kung close daw ba kami ni CK nung gabing nagpunta siya sa bahay. Sinabi ko naman ang totoo na nagkakilala lang kami nung party ni Jessica at dahil kaclose din siya nila Kuya Jacob ay medyo close na din kami.
Si CK naman ay talagang tinotoo ang pagtext sa akin. Wala naman kaming pinaguusapan talaga kasi itatanong lang niya kung kumain na ba ako, kung anong ginagawa ko, at kung anong gagawin ko sa buong araw. Para siyang clingy na kaibigan. Dinaig pa niya sila Heaven.
Noong minsan na tinawagan niya ako at tinanong ko siya kung hindi ba sila umaalis nila Ryle dahil halos lagi niya akong tinetext ay inaasar niya lang ako at binobola.
"Iba ang bonding ng mga lalaki sa babae." he explained through the other line.
"Alam ko yun. Tinatanong ko kung bakit ako lagi ang ginugulo mo. May mga kaibigan ka naman di ba?"
Nakahiga ako no'n sa kwarto ko kila tita at naghihintay para tawagin kung kakain na ba ng tanghalian. Last day na namin dito ni ate dahil uuwi na kami mamaya pero ang sabi ni tita ay may pupuntahan daw muna kami bago umuwi.
"Oo naman pero nagsasawa na ako sa mukha ng mga yon. Been seeing their faces for almost a decade."
"Grabe ka naman sa kanila. Dapat nga magpasalamat ka pa kasi ang tagal na ng friendship niyo."
He chuckled. "Kaming mga lalaki, hindi kami katulad niyong mga babae na kapag matagal nang hindi nagkikita, awkward na agad. Hindi lang kami mga nagkikita pero ganoon pa rin kami magturingan."
"Hindi mo nagegets yung sinasabi ko. Bakit sa dami ng kaibigan mo, ako ang lagi mong tinatawagan at ginugulo?"
"Bakit hindi ikaw?"
Bumilis ang tibok ng puso ko kaya napatigil ako.
"Hindi ba pwedeng ikaw?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong isagot sa kanya.
Biglang namatay ang tawag. Nang tingnan ko ang screen ay saktong 10 minutes na ang tawag. Hindi pa namamatay ang ilaw ng cellphone ko ay nakareceive na agad ako ng text sa kanya.
CK:
I will call again later. Kakain muna akong lunch. Kumain ka na din. :)
Tinitigan ko lang ang message niya hanggang sa mamatay ang ilaw. Wala akong ibang nagawa kundi tumitig at isipin kung paano papakalmahin ang tibok ng puso ko.
Ano 'yon? Bakit kailangan niya magsabi ng ganoon? Hindi ba tinatanong ko lang siya kung bakit lagi niya akong tinatawagan? Bakit may gano'ng klase siya ng tanong?
Mabuti na lang ay tinawag na din ako para sa tanghalian. Nakaligo na naman ako kanina pa kaya magbibihis na lang ako para sa pag-alis namin mamaya.
Sabi ni ate ay mag-swimming daw muna kami dahil namimiss na niyang gamitin ang pool nila. Kaya pagkatapos naming kumain ay nagpahanda siya ng mga snacks at inumin sa may pool area nila. Ako naman ay dumiretso sa kwarto niya para manghiram ng damit na pwede kong ipang-swimming.
Nagkukwentuhan kaming dalawa. Nakaupo ako sa kama habang siya ay nasa walk in closet niya at hinahanap ang mga pwede namin suotin. Sosyal talaga si ate Happy.
"Ate, kailan ka bibili ng gamit mo?"
"Next week siguro pagkatapos kong mag-enroll. Sabay tayo?" tumingin siya sakin kaya tumango ako.
"May party nga pala two weeks from now. Sama tayo?" tanong niya.
Napakunot ang noo ko. "Party? Anong party?"
BINABASA MO ANG
Hold Me Close
أدب الهواة[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...