Chapter 10

460 15 3
                                    

(Happy 11 months KierVi! 💜

Thank you po for supporting this story kasi it's ranked #1 for the tags vivoree, vivoreeesclito, and kiervi!

Also you can now follow me on twitter @mysachigirl
yung may picture na drawing na kaparehas ng display pic ko dito hehehe. I'll follow back promise!

Makikitag po ako para mas mabilis ko makita yung feedback niyo regarding this story tsaka para makapili na din ako ng pwede kong gawing characters!

Vote, follow, and comment! Thank you!)

#HoldMeClose10

NAPAKABAGAL ng takbo ng kotse namin at walang pakialam si ate Happy dahil patay siya sa tulog sa likod ng kotse. Ako ay nasa may unahan at katabi nga ang driver na si CK. Mukhang enjoy din siya sa mabagal niyang pagdadrive.

Nakakaboring at walang kahit anong maririnig sa loob ng kotse kundi ang takbo nito at ang pagha-hum ni CK.
Mabuti na lang ay katext ko si Heaven at balak niyang sabay na kaming mag-enrol bukas.

Halos mawala sa isip ko na enrollment na nga bukas at hindi pa ako nakakapag-clearance. Isa pa din sa problema ko ay kung kailan ako kakausapin ni Papa tungkol dito kay CK.

Narealize ko na hindi naman talaga siya masamang tao. Pinoprotektahan lang ako ni Papa at kuya kasi ayaw nilang madamay ako sa gulo nila. Napatingin ako kay CK na diretso ang tingin sa daan.

Mabait siya. Hindi ko rin maipagkakailang gentleman siya at marespeto siya. Nakakainis lang kapag nang-aasar siya pero he's personality is nice, no doubt in that. Friendly din siya at bolera. But it's a good thing, right?

"Alam kong gwapo ako pero wag mo naman ako titigan ng ganyan. Nako-concious ako."

Napairap ako dahil sa sinabi niya. Ayan. Diyan siya magaling. Sa kalokohan.

"Ang yabang mo talaga kahit kailan 'no?"

He laughed. "Hindi kaya yabang yun. Katotohanan yun."

"Alam mo okay ka na sana kaya lang minsan talaga mahangin ka."

Tumawa na naman siya. Masayahin lang siguro talaga siyang tao 'no?

"Okay akong ano? Bilang boyfriend o kaibigan?" makahulugan na sabi niya.

"Pinagsasabi mo? Okay ka sana bilang tao. Minsan kasi over-confident ka, akala mo nasa'yo na ang lahat."

"So hindi ako okay bilang tao? Eh tao naman ako ah! Gwapong tao pa nga to be exact."

"Ewan ko sa'yo. Maghanap ka ng kausap mo."

"Alangan naman na si ate Happy ang kausapin ko eh tingnan mo nga, nananaginip na yata yan eh."

Nilingon ko tuloy si ate Happy sa likod. Naka-earphones ito at tulog na tulog. Kawawa naman si ate.

"Pilosopo ka talaga." sabi ko na tinawanan lang naman niya.

"Sorry. Nasanay kasi ako sa mga kaibigan ko." sabi niya at nag-peace sign.

Speaking of kaibigan, bigla kong naalala na magkaibigan nga pala sila ni Marco. Paano kaya sila nagkakilala?

"Pwede ba akong magtanong sa'yo?"

"Nagtatanong ka na nga eh."

I made a face at hinampas ang braso niya. Tinawanan naman niya ako.

"Seryoso kasi."

"Seryoso na po."

Sumandal ako ng ayos at inilipat din ang tingin sa daan. Wala pa kami sa highway at nandito pa lang kami sa may bayan nitong lugar kaya traffic. Nakatigil kami ngayon dahil do'n.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon