Chapter 3

536 18 0
                                    

#HoldMeClose03

PAGKAPASOK na pagkapasok namin ni ate Happy sa kwarto namin ay sabay kaming napaupo at natulala. Siya ay sa may kama, ako naman ay sa may sofa. Ipinasok ng bellboy ang aming mga gamit at isinara na din agad ang kwarto pagkalabas niya.

"Uso ba ngayon ang return of the exes?" mahinang sabi ni ate. Nakatulala pa rin.

"Hindi ko ex si Marco." mahinang sagot ko rin.

"Maglolokohan pa ba tayo, V?" sabi ni ate at nagbuntong hininga ulit humiga na siya sa kama ngayon.

"MU lang kami no'n 'te." sabi ko at tumayo na para ayusin ang gamit namin. Si ate naman ay nanatiling nakatulala hanggang sa may kumatok sa pinto namin.

Nagulat ako dahil sa bigla niyang pagbangon at pag-aayos ng buhok.

"Nyare sa'yo?" sabi ko habang pinagmamasdan pa din siya. Pumunta pa siya sa harap ng salamin at inayos ang buhok niya bago siya dumiretso sa pinto kasi may kumatok na naman.

"Anong meron do'n?" tanong ko sa sarili ko at nagtuloy sa pag-aayos ng gamit.

"Baklaaaa!" narinig ko ang maliit na boses pagkabukas ng pinto ni ate. Si Jessica 'yon, I'm sure.

Pero bumalik si ate ng nakasimangot at sumunod sa kanya ang nagtatakang si Jessica.

"Bad trip ka?" sabi ni Jessica pero parang lumiwanag ang mata niya dahil nakita niya ako. Tumayo ako at nginitian siya.

"Vivoree Niña! You are so missed!" sabi niya at tumakbo pa sa akin para yumakap.

Natawa ako. Parang hindi siya 22 kung umasta.

"Happy birthday, Jess. To follow na lang yung gift ko, ha?" sabi ko sa kanya nang maghiwalay kami sa yakap.

"Sure. You know I love you to bits. Sandali, ano ba problema niyan?" tinuro nito si ate na nakaupo na naman sa higaan at balik tulala na naman.

"Nagkita sila ni Kuya Zander." pagkabanggit na pagkabanggit ko ng salitang 'yon ay sinamaan ako ng tingin ni ate Happy habang OA naman na suminghap si Jessica at may patakip-takip pa sa bibig niya.

"I forgot to text you about him! Tinatanong ka niya sa'kin last week pa no'ng nagkita kami sa gym!" mas lumiit pa lalo ang boses niya dahil kinikilig yata siya.

"Pakialam ko do'n? Aalis-alis siya tapos babalik-balik siya ditong parang walang nangyari? Wala kong pake sa kanya." sabi ni ate at nagmartsa papunta sa mga gamit namin.

"Sa true?" pang-aasar ni Jessica. Natawa ako dahil mas nabwisit si ate Happy.

"Stop laughing! Ikaw din naman kaya! Marco's here ah."

Napairap ako bigla kay Jessica.

"Shut up, Jess. Birthday mo lang ngayon pero pwede ka naming takasan mamaya sa party mo pag nainis kami sa sitwasyon." pananakot ko sa kanya.

"You meanie. Fine. I'll ask their friends, which is technically also my friends, to keep them busy para hindi nila kayo kulitin later, okay?" ngumiti pa siya at nagpacute.

"Good dog." sabi ni ate Happy. Natawa ako dahil sa mukha ni Jessica na inis na inis pero cute pa din. Hays.

Lumipas ang oras na inaayos namin ni ate ang susuotin namin mamaya. Mabuti na lang at may nadala akong bohemian outfit dahil 'yun pala ang theme kasi by the shore gaganapin ang party ni Jessica. Bukas naman daw ay yung formal, na ewan ko ba kung bakit hinati pa niya sa tatlong araw. Sa last day daw ay pwede nang mag-relax ang mga bisita.

Nagpalit ako ng puting crop top at denim shorts at pagkatapos ay itinaas ang buhok ko. Kinuha ko din ang shades ko kasi medyo mainit sa labas.

Magla-lunch na kami ngayon at pupuntahan ang isang resto na ipinareserve ng pamilya nila Jessica para doon kumain lahat ng bisita. Past 3 na ng hapon kaya tingin namin ni ate Happy ay wala masyadong tao sa resto kasi nakapag-lunch na ang lahat. Natagalan lang naman kami kasi nakipagkwentuhan pa sa amin si Jessica at inayos pa namin ang mga gamit namin.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon