Chapter 6

454 14 6
                                    

#HoldMeClose06

ANG biyahe namin sa island hopping ay puno ng tawanan, picturan, at asaran. Punong-puno ng mga picture namin, ng tanawin, at ng selfie ko ang cellphone ko. Mamaya pagbalik namin ay ipinangako ko sa sarili kong i-upload ito sa instagram ko.

Maingay ang mga lalaki dahil nagtatawanan sila sa kung anong nakikita nila sa dagat. Kaming tatlong babae ay may sariling diskusyon at nagtatawanan rin dahil sa kinukwento ni ate Happy na experience niya sa Davao.

"Babalik talaga ako sa Jack's Ridge! Ang romantic ng lugar tsaka baka do'n ko na mahanap yung man of my dreams!" sabi pa ni ate at tumili. Natawa tuloy kami lalo ni Gela.

"Nakapunta na po kayo do'n?" napalingon kaming tatlo sa katabi kong si CK na biglang sumali sa usapan namin.

"Oo. Ikaw din?" parang kumikinang ang mata ni ate. Kahit nasa gitna kami ni Gela, kung makapagkwentuhan ang dalawa ay parang wala kami doon.

"Lipat ka na sa tabi ni ate, gusto mo?" nakangiwi kong sabi.

"Naku mas bet ka niya katabi! Sige na. Kayo na mag-usap, may kailangan akong itanong dito kay Gela." sabi ni ate Happy. Tinalikuran na rin ako ng katabi kong si Gela para humarap at kausapin si ate.

"Nakapunta ka na din bang Davao?" tanong ni CK. Nasa akin na ang buong atensiyon niya. Medyo maingay ang bangka pero mas maingay sila Kuya Jacob sa kwentuhan at tawanan.

"Hindi pa. Maganda ba do'n?" Tumango siya at ngumiti.

"Sobra." at ang dami niyang ikinuwento sa akin tungkol sa mga magagandang lugar na napuntahan niya doon. Lahat ng tanong ko ay sinasagot niya ng maayos at may dagdag paliwanag pa. He's nice to converse with. Medyo naging komportable na din akong kausap siya kaya nakakapag-asaran at biruan na din kami.

"Malapit na po tayo." sabi sa amin ng bangkero. Doon ko lang napansin na malapit na nga kami sa Isla. Hanggang sa nakarating kami ay hindi ko mapigilan mamangha sa ganda at puti ng buhangin.

Dahil isa ako sa huling sumakay sa bangka ay isa din ako sa unang bumaba. Naunang bumaba si CK. Tumayo na din ako at  handa ng bumaba. Aalalayan na ako ng bangkero pero narinig ko ang sinabi ni CK.

"Ako na po, kuya." at inilahad niya ang dalawa niyang kamay sa akin.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya habang inaalalayan niya ako.

"Salamat." sabi ko at maglalakad na sana pero napansin kong hawak pa din niya ang isang kamay ko.

"Baka matumba ka kasi medyo malakas yung alon." paliwanag niya. Napatingin tuloy ako sa tubig.

Tama naman siya. Kapag mahina ang tuhod mo ay matutumba ka dahil medyo malakas ang hampas ng tubig dagat. Pagbaba kasi ng bangka ay hanggang binti pa ang tubig. Medyo nahirapan ang mga bangkerong itulak ang bangka namin dahil malaki at marami kaming sakay.

Kaya magkahawak kamay kaming naglakad hanggang sa nasa may buhangin na.

"Sana all." dinig kong sigaw ni ate habang pababa din siya ng hagdan.

"Ang bilis mo tol ha." rinig kong sabi ni Ryle nang makalapit na din siya sa kinaroroonan namin.

"Gentleman naman kasi talaga ako." depensa ni CK.

"Sus. Maglolokohan pa ba tayo?" si Rayt at nag-apir pa sila ni Ryle.

"Tara na, tara na." sabi naman ni Kuya Mccoy. Naririnig ko na rin ang tawag ni Gela for picture taking. Nagpapicture kami sa bangkero bago namin nilibot ang isla.

Almost 10 minutes lang kami doon bago kami nagpunta na para sa pangalawang isla. Tatlong maliliit na isla kasi ang destination namin. Sa pinakahuli at pinakamalaking isla, doon daw pwedeng magtagal ng mga 30 minutes lalo na pag medyo tanghali pa lang dahil pagdating daw ng hapon ay wala na.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon